in

Alice Dixson unti-unti ng ipinapakilala sa publiko ang tatay ng kanyang anak na si Aura

Sa bibihirang pagkakataon, nagbigay pasilip si Alice Dixson sa itsura ng kanyang “forever” at ama ng anak na si baby Aura.

Sa isang litrato na ibinahagi ng 53-anyos na aktres sa Instagram, makikitang nag-eenjoy ito sa beach na may kasama na tinawag niyang “papa.”

“Monday mornings be like…,” saad ni Alice sa caption ng kanyang post, sabay tawag na “Mama & Papa” sa kanilang dalawa. Tinawag ding “My forever” ni Alice ang kanyang partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Kalakip nito ang larawan ng sweet moment nila ng di pinangalanang lalaki habang sila ay nasa beach. Nakakandong si Alice sa lalaki habang yakap siya nito.

Kahit natatakpan ng konti ang mukha ng lalaki, tingin ng mga netizen ay gwapito ito.

Nakasuot din ng dark shades ang lalaki kaya hindi makita ang hitsura nito. Liban sa mukha itong maputi, balbon, at maganda ang pangangatawan.

Pinusuan at ni-like naman ng mga netizens ang sweet photo ni Alice at ng kanyang mystery guy. May mga nag-comment naman na mukhang artistahin din ito base sa nakita nilang litrato.

Saad pa nga ng ilang IG followers ng aktres akala raw nila ay mas matanda ang kanyang partner pero parang magka-edad lang daw ang dalawa.

Sa isang panayam sa King of Talk na si Boy Abunda noong 2017, sinabi ni Alice na apat na taon na sila ng kanyang partner noon.

Ibinahagi din niya ang tungkol sa desisyon niya at ng kanyang “partner” na magkaroon ng anak sa pagitan ng surrogacy.

Noong April 2021, sinundo ni Alice ang kanyang bagong silang na anak sa U.S. At saka ipinakilala ito sa kanyang Instagram followers.

Ano pipiliin mo para sa kanya? Robin Padilla nag pa-online poll sa netizens kung PELIKULA o PUL1TIKA

Aktor na si Ejay Falcon inalala ang kanyang trabaho noon sa Mindoro na isang kargador