in

Aktor na si Ejay Falcon inalala ang kanyang trabaho noon sa Mindoro na isang kargador

Nagbalik tanaw ang aktor na si Ejay Falcon sa kanyang dating trabaho bilang kargador noon sa Mindoro.

Kwento ni Ejay sa kanyang facebook post, 15 years ago ay isa lamang siyang ordinaryong bata sa Mindoro na rumaraket bilang Kargador para makatulong sa kanyang pamilya.

“Mapagpalang Araw po Mga Kakampi-Kababayan Share ko lang po:) . 15 years ago , isa akong ordinaryong binata sa Mindoro na rumaraket bilang kargador para makatulong sa pamilya at pambaon sa School”

Sako sako raw ng kopra ang binubuhat nila kasama ang kanyang kaibigan.

“Sako sako ng kopra ang binubuhat ko kasama ang aking mga kaibigan bilang ito ang isa sa pangunahing hanapbuhay samin sa Bacawan Pola Oriental Mindoro.”

Kwento pa ni Ejay: “Nakakatuwa pag nakikita ko ang mga pictures ko noon dahil hindi lang pisikal na anyo ang nagbago sakin kundi pati buhay at pagkatao ko. Isa itong paalala kung gaano ako kablessed sa buhay dahil sobra sobra pa sa pinangarap ko ang pinagkaloob sa akin. Kaya kahit papano sa abot ng aking makakaya ay pinagsisikapan ko. Na tumulong mabless din ang ibang tao sa aking sariling pamamaraan.”

Kamakailan, tila nagpahiwatig na nga ang aktor sa pagtakbo niya sa darating na eleksyon.

Aniya sa isang video, “Iyong sigaw at excitement ninyo, sana po madala natin ‘yan pagdating ng tamang panahon. Ang suporta ninyo. Kayo pong lahat dito, sana po suportahan niyo kami. Kaya po kami nandito ngayon, nagkakaisa, at nagpapakilala po sa inyo.”

Sa isang bahagi ng video, nagpakilala pa siya sa kanyang mga kababayan, “Ako po si Ejay Falcon. Kahit po hindi niyo ako tingnan bilang artista. Tingnan niyo ho ako bilang kababayan niyong Mindoreño na gustong maglingkod sa inyo.”

Alice Dixson unti-unti ng ipinapakilala sa publiko ang tatay ng kanyang anak na si Aura

Kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero nagbigay ng kanyang mensahe para kay Mygz Molino