in

Video ni KC Concepcion na ginaya ang Filipino Daring Accent kinagigiliwan ngayon sa social media

Marami ang aliw na aliw ngayon sa viral video na ibinahagi ni KC Concepcion. Kung saan ginaya niya ang viral na Filipino Daring Accent.

Madalas magbahagi si KC ng mga larawan at video niya sa kanyang social media ccounts. Dito ay nagbibigay siya ng update tungkol sa kanyang mga activities at pinagkakaabalahan sa buhay.

Kamkailan nga lamang ay kinagiliwan ng mga netizens ang ibinahagi niyang video. Kung saan sumabak din siya sa trend na Filipino Daring Accent.

Maririnig na saad ni KC sa video, “Oh my God, your Filipino accent is so s3xy, say it again.”

At doon ay nakakatuwang minutawi na niya ang mga salitang, “Sikan plor (second floor), loshyon (lotion), jodoran (deodorant), chutpeys (toothpaste), bb owel (baby oil), badiwas (body wash).”

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang nasabing video ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Da best talaga to @kristinaconcepcion babalik-balikan pampa good vibes”

“Yung badiwas talaga nagdala eh hahhaa lovvweettttt ses”

“I am displeased about this “Funny Filipino accent” thing happening on social media because am a Filipino & my accent & enunciation is most definitely NOT like that. Not even close!”

“Omg! This made my day!!!”

“Bakit sosyal pa rin pakinggan…parang french lang…Iba kapag si KC”

Pati ang ilang celebrities ay hindi din napaigilan ang kanilang pagakagiliw sa video na ito ni KC. Ilan lamang sa mga celebrities na nagkomento sa video ni KC ay sina Moira dela Torre, Janine Guttierez, KZ Tandingan.

Lolit Solis muling binira si Mark Herras sa pagpapakasal nito sa partner na si Nicole Donesa

Matapos ang matinding pagsubok, Jiro Manio maayos at tahimik na muli ang pamumuhay! Ready na ba ulit sa showbiz?