in

Lolit Solis muling binira si Mark Herras sa pagpapakasal nito sa partner na si Nicole Donesa

Muling nagbigay ng pahayag si Lolit Solis tungkol sa pagpapakasal ng dati niyang alaga na si Mark Herras.

Kahapon, September 19, ibinahagi ni Mark Herras na ikinasal na nga siya sa long time girlfriend at ina ng kanyang anak na si Nicole Donesa.

Aniya, ito ay idinaos noong Sept. 8, 8 a.m., sa Quezon City Hall. Si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City mismo ang nanguna sa civil wedding ceremony ng mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati kina Mark at Nicole mula sa mga kaibigan nila sa industriya.

At isa din sa nagpahayag ng kanyang kagalakan para sa aktor ay ang kanyang dating manager na si Lolit Solis. Sa kanyang Instagram post ibinahagi ni Lolit na masaya siya para kay Mark.

Saad pa nga niya ay natutuwa siya dahil finally ay may pamilya ng mag-aalaga kay Mark.

Aniya, “Masaya ako dahil may mag aalaga na sa kanya at tatahak na siya sa bagong chapter ng buhay niya.”

“Now at least meron ng pamilya na titingin at mag aalaga sa kanya. Sana nga ito ang maging start ng bagong path na tatahakin ni Mark para sa kanyang future. ”

Hiling pa nga ni Lolit ay sana ito na ang maging daan para maging seryoso si Mark sa kanyang trabaho. “At ito narin sana ang maging daan para maging seryoso siya sa trabaho, lalo pa nga at meron na silang anak.”

Pagbabahagi kasi ni Lolit si Mark daw ang tipo ng tao na tipong tumanda ng walang pinagkatandaan.

Sa huli ay nagpaabot naman ng best wishes si Lolit para kina Mark at Nicole.

Jinkee Pacquiao pinatunayan ang angking kagandahan noong dalaga pa lang sa pagsali sa mga beauty contest sa GenSan

Video ni KC Concepcion na ginaya ang Filipino Daring Accent kinagigiliwan ngayon sa social media