in

Jinkee Pacquiao pinatunayan ang angking kagandahan noong dalaga pa lang sa pagsali sa mga beauty contest sa GenSan

Inalala ni Jinkee Pacquaio ang pagsali niya sa mga beauty contest noong dalaga siya.

Kamakailan lang ay nagbahagi ang misis ng Pambansang Kamao ng ilang throwback photos niya. Ilan dito ay noong itinanghal siya bilang Miss GenSan taong 1996.

Makikita sa nasabing larawan na nakasuot ng blue one piece bikini si Jinkee, at kapansin pansin ang ganda ng kanyang kutis noon pa man.

“Wow. A blast from the past. Memories [double heart emoji]. That’s me 25 years ago [heart eyes emoji]” caption ni Jinkee sa kanyang litrato.

Sa ilan pang throwback photos na makikita sa kanyang Instagram account, ay mababanaag na maganda talaga ang hubog ng katawan ni Jinkee kahit noong dalaga pa siya.

May larawan din siyang ibinahagi na nahalungkat niya na kuha noong nasa kolehiyo pa lang siya.

Pati ang ilang larawan sa Miss General Santos ay ibinahagi niya din. Kasama ang ibang kandidata ay makikitang angat na talaga ang beauty ni Jinkee.

Samantala, marami naman ang napahanga sa kanyang natural na ganda. Komento pa ng mga netizens, maganda na daw si Jinkee kahit noon lalo’t pa na makinis at maputi ang kanyang kutis.

May ilan namang nagsabi na tila ito ang pahaging na sagot ni Jinkee sa walang sawang pangbabatikos sa kanya. Ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Kung matatandaan kamakailan lamang ay sinabi ni Fermin na hindi pwedeng ihambing si Jinkee. Sa itsura ng aktres na si Kristine Hermosa dahil puro retoke daw siya.

Mga Netizens, Nagalala sa kalagayan ngayon ni Mygz Molino

Lolit Solis muling binira si Mark Herras sa pagpapakasal nito sa partner na si Nicole Donesa