in

Video ni Anne Curtis habang nagme-makeup viral ngayon dahil sa nakakatuwang pagkanta ni Baby Dahlia

Kinagigiliwan ngayon ng maraming netizens ang video ng aktres na si Anne Curtis habang nagme-makeup.

Sa nasabing video, makikitang nag aayos ng kilay ang magandang aktres at celebrity mom na ngayon na si Anne.

Bilang pag endorso sa isang makeup brand na kanyang ginagamit. Ngunit hindi ang pag-aayos ni Anne ang nakapukaw sa atensyon ng maraming netizens.

Kinagiliwan nila ang video dahil sa narinig nilang pagkanta ng anak ni Anne at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelie.

Maririnig kasi sa background na kumakanta si Baby Dahlia habang kausap ang kanyang Daddy Erwan.

Kaya naman agad na umani ng napakaraming reaksyon ang nasabing video ni Anne.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Love the voice of Dahlia in the background”

“Is it just me, I heard dahlia singing”

“mana sa mama mahilig kumanta”

“Ang cute ng boses ni baby Dahlia”

β€œDahlia singing like mummy”

Samantala, bilang first time parents ay talagang hands-on sina Anne at Erwan sa pag-aalaga kay baby Dahlia.

Magmula nang ipanganak ni Anne ang kanilang super cute baby girl ay lagi na niyang ibinabahagi ang milestone nito sa social media.

Kamakailan nga lang din ay marami ang natuwa sa paglalaron ng mag-ina ng peek-a-boo. Habang nakatago sa likod ng puting kumot si Dahlia ay si Anne naman ang nagsasalita.

Pati ang maganang pagkain ni Dahlia ng lugaw ay ibinahagi naman ni Erwan. Dahil simot sarap talaga ang kanyang inihanda para sa kanilang unica hija.

Prof na pinagda-drop ang estudyanteng walang pambili ng laptop, umani ng sandamakmak na komento mula sa mga netizens

Nag-viral na lolong vendor na si Lolo Pops nakapagpatayo na ng bahay dahil sa pagtitinda online