in ,

Nag-viral na lolong vendor na si Lolo Pops nakapagpatayo na ng bahay dahil sa pagtitinda online

Naaalala niyo pa ba ang nagviral na Lolo na nagtitinda ng lollipop at polvoron noon? Heto na siya ngayon!

Ang pagtitinda ng mga candies sa kalye ng Angeles City Pampanga ang hanapbuhay ng 72yrs. old na Lolo na si Angelito Genuino. O mas kilala na sa tawag na “Lolo Pops.”

Dahil sa kanyang matatamis na ngiti ay marami ang natutuwang bumili sa kanya. Tubong Bulacan si Lolo Pops pero 10 taon na siyang naglalako ng candies sa Angeles.

Ngunit ng magkaroon ng pandemya ay humina na ang benta ni Lolo Pops. Nawala na kasi ang mga estudyante na kanyang suki.

Pero hindi sumuko si Lolo Pops at ang kanyang misis ang pinagkukuhaan niyang lakas ng loob. Upang ipagpatuloy ang kanyang pagsusumikap.

Kaya naman, sa tulong ng kanyang mga suki ay ibinenta ni Lolo Pops ang kanyang mga paninda online. Para mas maraming customer ang maengganyong bumili sa kanya.

Ibinahagi ng kanyang suki na si Janine Victoria Santos ang muling pagkikita nila ni Lolo Pops. Aniya sa kanyang Facebook post,

“Huli kami nag kausap nung 2017 pa. Ang lusog pa niya nun.. Kanina nakita namin siya sa jollibee drive thru around 9:30pm ayun polvoron na tinitinda niya ngayon and pumayat siya.. please kapag nakita niyo si lolo pops bili kayo sa kanya tulong niyo nalang para makauwi siya agad”

Dahil sa post na ito, marami ang naantig sa kwento ng pagsisikap ni Lolo Pops, kaya marami ang nagpaabot ng tulong upang maipagpatuloy niya ang kanyang munting negosyo.

Ngayon nga ay thru Shopee na din nagbebenta ng kanyang mga paninda si Lolo Pops.

At dahil dito ay nakapagpatayo na rin siya ng sarili nilang bahay.

Video ni Anne Curtis habang nagme-makeup viral ngayon dahil sa nakakatuwang pagkanta ni Baby Dahlia

Mga Netizens, Nagalala sa kalagayan ngayon ni Mygz Molino