in , ,

Ate Gay, nag Sorry kay Vice Ganda tungkol sa kontrobersyal post nito na lubos nakasama ng loob ng komedyante

Naging kontrobersyal ang naging post ni Gil Morales aka Ate Gay tungkol sa pagsisiwalat ng halagang itinulong ng mga kaibigan sa kanya.

Ngunit ang dapat sanang good vibes at thankful post ay nagdulot ng sama ng loob at pambabash sa sikat na TV host/comedian na si Vice Ganda.

Pinangalanan kasi ni Ate Gay ang mga taong nagpaabot ng pinansyal na tulong sa kanya, pati narin ang halaga nito.

Inilista pa ni Ate Gay ang halaga ng perang itinulong ng mga kaibigan niya: Paolo Ballesteros (P30K).

Beks Battalion (P30K), Teri Onor (P20K), Vice Ganda (P20K), Ogie Alcasid (P10k), at Ogie Diaz (P10K).

Nakasaad sa kanyang post na burado na ngayon. Na 20K ang ibinigay ni Vice Ganda at 600K naman ang binayaran ng kanyang kapatid.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nabash pa di umano si Vice Ganda dahil sa halagang 20,000 na tulong pinansyal ng huli at Ate Gay. Naghayag si Vice ng sama ng loob sa It’s Showtime.

“May natulungan ako. Hindi ko pinagmalaki na meron akong natulungan pero ‘yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya.”

“Tapos, nilabas niya ‘yung magkano ‘yung tinulong ko sa kanya. Tapos nabasa ko sa mga comments, sabi nong mga comments, ‘ha? ganun lang pala binigay ni Vice Ganda, Php20,000 lang.”

“Parang, napalunok ako. Parang ‘pag ako ba yung tumulong dapat may presyo?”
“Na ano ako, sabi ko tumulong na ako ng kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge kaya hindi ko sinasabi pero yung nilabas mo ‘yung pangalan ko, tapos inokray pa ako ng mga ano, ‘bakit Php20,000 lang binigay… Nasaktan ako talaga.”

Tila naman hindi napakali si Ate Gay sa naidulot na ito sa kaibigang si Vice. Kaya sa pamamagitan ni Ogie Diaz ay nagpahatid ito ng paumanhin at humingi ng tawad.

“Kausap ko siya, sinabi niya na ‘uy pakisabi kay Vice na I’m very very sorry, patawarin niya ako. alam kong pangit ‘yung ginawa ko. Pero gusto ko lang sabihin sa kanya na hindi ko na uulitin.”

“In fairness kay Ate Gay, very apologetic siya noong nakausap ko siya.”

Ayon pa kay Ogie Diaz, wala na raw kay Vice ang nangyari at pinaalalahanan pa nito si Ate Gay na maging maingat sa mga naipo-post sa social media upang hindi na muling maulit ang nangyari.

Samantala, nagpost din si Ate Gay ng sariling paliwanag at pasasalamat kay Vice Ganda at Ogie Diaz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gil (@ategay08)

Pamamanhikan getaway sa Siargao inenjoy nina Derek Ramsay at Ellen Adarna

Prof na pinagda-drop ang estudyanteng walang pambili ng laptop, umani ng sandamakmak na komento mula sa mga netizens