in , ,

Robin Padilla aminadong nahihirapan na sa sitwasyon ngayon, naubos na ang ipon kaya kinailangang magnesgosyo ng asawang si Mariel

 

Ibinahagi ni Robin Padilla na nagalaw na nila ang savings para sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

 

 

Ayon kay Robin Padilla, hindi lang ang mga ordinaryong tao ang nakakaranas ng paghihirap ngayon kundi sila mang mga artista.

 

 

Sa kanyang Instagram post ay inamin niyang masikip na rin daw ang kanyang sinturon.

At naghihingalo na rin ang savings nila.

 

 

“Para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na pero patuloy pa rin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin, hanggat maari ayaw namin sila maghirap kaya’t ang aming mga sueldo ay diretso na sa kanila, ang mga pumapasok na trabaho at sueldo ay ibinibigay na rin sa mga mas nangangailangan sa malalayong lugar,” 

 

 

Dagdag pa niya, pati ang misis niyang si Mariel Rodriguez ay nagnegosyo na rin para makatulong.

 

 

“Ang asawa ko ay nag negosyo na rin para makatulong sa aming mga panggastos halos wala ng tulog.

“Sa kakaa­laga sa pamilya niya at sa pag aayos ng karne niya pero kinakailangan niya kumilos.

 

 

“Walang May masarap na buhay ngayon kundi yun mga nalathala na mas yumaman nong nagkapan­demya pero tayong mas nakakaraming mga pilipino ay tagilid na ang bangka at ang Iba ay taob na at naka salbabida na Lang Para hindi tuluyan lumubog,”

 

 

Kasunod nito ay in-encourage ni Robin ang mga kababayan na huwag sumuko at manatiling lumaban. Hinimok din niya ang mga mamamayan na magpaba’k’una na at magtulung-tulong para malampasan ang kris’is na ito.

 

 

Sa huli, naging positibo pa din ang mensahe ni Robin. Na kahit ano pa man ang pagdaanan ay malalagpasan pa rin ang lahat ng nakakaranas ng mga sitwasyon na ito.

 

Mahirap man ang sitwasyon at buhay natin ngayon, napakahalaga ang pagkakaroon ng positibong pananaw at pananampalataya. Papasaan pa’t matatapos din ang pandemyang ito.

Ano pong masasabi niyo?

Buboy Villar tinawagan ang dating partner na si Angillyn Gorens sa kaarawan ng kanilang mga anak

Lolit Solis, panay ang tirada kay Paolo Contis, prangkahang sinabi na uubusin lang nito ang ipon ni Yen Santos