in

Pamamanhikan getaway sa Siargao inenjoy nina Derek Ramsay at Ellen Adarna

Enjoy ang engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa kanilang pamamanhikan getaway sa Siargao.

Inihayag ni Derek  na lubos ang kanyang kasiyahan na sa wakas ay personal niyang nakilala ang pamilya ng fiancée na si Ellen Adarna.

Lalo pang naging espesyal para sa Kapuso actor ang pagkikita nila ng ina ni Ellen na si Meriam Adarna para sa pormal niyang pamamanhikan.

Sa kanyang Instagram post  ipinakita ni Derek ang litrato niya kasama ang ina ni Ellen na si Meriam.

Sa caption, may sweet message si Derek para kay Ellen, “@maria.elena.adarna you have a beautiful family.

“Mamanhikan is such a beautiful Filipino tradition and I’m so happy we were able to get our families together before our big day.”

May iba pang litrato si Derek kunsaan makikita ang pinagsamang pamilya niya at pamilya ni Ellen.

Makikitang nasa litrato ang mga magulang ni Derek na sina Remedios at Derek Arthur Ramsay Sr.

Batay sa kanilang mga kuhang larawan ay mukhang enjoy na enjoy naman sila. Mukhang komportable rin ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz sa kaniyang future stepfather.

Makikita sa ilang litrato na kasama ni Ellen si Elias na enjoy na enjoy ang paglalaro. Pag-swimming at pagsakay sa yate.

Samantala, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbakasyon sina Derek at Ellen.

Madalas nilang ibahagi sa kanilang social media accounts ang kanilang pamamasyal. Lalo na ang kanilang beach trip kasama si Elias at ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nagkasundo agad ang couple at naging bukas sila sa isa’t isa, pati na sa mga bagay na karaniwan ay hindi agad ipinapakita sa taong gusto nila at sandali pa lang nakikilala.

Dating child star at aktor sa Ang Probinsyano, isang ganap na delivery rider na ngayon matapos mawala sa programa

Ate Gay, nag Sorry kay Vice Ganda tungkol sa kontrobersyal post nito na lubos nakasama ng loob ng komedyante