in

Buboy Villar tinawagan ang dating partner na si Angillyn Gorens sa kaarawan ng kanilang mga anak

Isang surpresa ang ibinigay ni Buboy Villar sa kaarawan ng kanyang dalawang anak.

Sa kanyang vlog na may title na “PEBERTDEY (Kasama Dapat Nanay) Hindi pwedeng wala.” Ibinahagi ni Buboy ang simpleng selebrasyon sa kaarawan ng kanyang mga anak.

Sa isang bahagi ng kanyang video ay tinawagan ni Buboy ang ina ng kanyang mga supling. Ang dati niyang partner na si Angillyn Gorens.

Itinutok ni Buboy ang camera sa kanilang mga chikiting para makita ni Angillyn ang paglalaro ng mga ito at para makausap din sila ng kanilang ina.

Ayon kay Buboy ay in good terms pa din sila ni Angillyn kahit na hiwalay na sila. Oalagi pa rin siyang nagbibigay ng update dito tungkol sa kanilang mga anak. Na sina Vlanz Karollyn at George Michael.

“Sa mga nagtatanong, lagi talaga kaming nakakapag-usap nitong si Angillyn, lalo na pagdating sa mga bata,” saad ni Buboy.

“Syempre, lagi akong nagse-send sa kanya ng mga pictures, videos, kasi kapag hindi ko nagagawa yon, malamang, pag umuwi dito, may sabunot tayo,” dagdag pa ng aktor.

Pahayag pa nga ni Buboy na kahit nagkahiwalay sila ni Angillyn ay laking pasasalamat pa rin niya na naging parte ito ng kanyang buhay.

“Ang laking pasasalamat ko sa Diyos na natagpuan ko tong si Angillyn.  At syempre, nakapag-anak kami, nakapag-anak siya ng ganito kagandang gwapong bata,” aniya.

Nagkabiruan pa nga ang dalawa sa kanilang video call. At sinabi pa ni Angillyn na, “Pasalamat ka na lang sa mukha ko!”

Kinabiliban din ng marami ang kanilang maayos na relasyon sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Panoorin dito ang kabuuan ng vlog ni Buboy:

Isang aktres humihingi ng tulong at panalangin para sa matinding pinagdaraanan ngayon ng ama na isang beteranong aktor

Robin Padilla aminadong nahihirapan na sa sitwasyon ngayon, naubos na ang ipon kaya kinailangang magnesgosyo ng asawang si Mariel