in , ,

Sikat na artista, masayang pinakilala sa publiko ang kanyang 1st baby sa long time partner

Masayang winelcome at ipinakilala sa publiko ng GMA actor na si Polo Ravales at fiance nitong si Paulyn Quiza ang kanilang first child.

Nag-upload si Polo ng larawan ni Paulyn sa Instagram noong September 8, na kalong ang kanilang anak.

“Yatrick Paul Quiza Gruenberg. Born on September 5, 2021 at 8:58am. Thank you God for a normal delivery and a very healthy Baby P [heart emojis] @pauquiza #pandp2018”

Nagpasalamat din si Paulyn sa Diyos para sa painless birth sa pamamagitan ng pag-post ng larawan ng kanilang bagong silang na baby sa Instagram.

Yatrick Paul Quiza Gruenberg, born on Sept 5, 2021 at 8:58 am.[heart emojis] Thank you Lord for giving me a normal delivery and a very healthy boy

Umulan ng pagbati mula sa kanilang celebrity friends ang comment box ng couple.

Ang former ONE UP member na si Nikki Co, ang mga kapwa artista na sina Jackie Lou Blanco, Iza Calzado, Sherilyn Reyes-Tan, Carmina Villaroel, at sikat na hairstylist na si Celeste Tuviera, ang ilan sa mga lubos na nagalak at  bumati sa new parents.

Noong April 5, 2021, nung unang ianunsyo nina Polo at Paulyn ang ineexoect nilang 1st baby.

Nagbahagi ang aktor ng sonograph ng kanyang fiance na may caption na,

“Thank You Lord for this Miracle and Blessing. We are excited to meet you Baby P [heart emoji] @pauquiza.”

December 2018 naman nang ihayag ni Polo ang engagement may Paulyn na mayroong isa pang anak na si Tyler.

 

Di papapigil! Cristy Fermin, may maanghang na komento muli kay Jinkee, tungkol sa pagkakahawig di umano nito kay Kristine Hermosa

Isang aktres humihingi ng tulong at panalangin para sa matinding pinagdaraanan ngayon ng ama na isang beteranong aktor