in

Toni Gonzaga binatikos ng mga netizens dahil sa panayam nito kay Bongbong Marcos

Trending ngayon sa social media ang interview ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos.

Mabilis na naging usap-usapan ang “Toni Talks” ni Toni Gonzaga kahapon Setyembre 13. Ito ay dahil sa kontrobersyal na interview nito kay Bongbong Marcos.

Hindi natuwa ang madlang pipol sa naging desisyon ng aktres na paunlakan ng interview ang isang Marcos.

Damang-dama ang pagkadismaya ng mga netizens at muli na namang naungkat ang mga naging isyu nito na diumano’y Marcos apologist at DDS raw.

Marami ang nagsabi na puro kasinungalingan lang naman raw ang sinasabi ng dating senador at halatang ginagamit lang ang vlog ni Toni bilang parte ng kaniyang kampanya.

Dismayado rin ang mga netizens dahil tila tinulungan pa ng aktres na iangat sa pedestal ang mga Marcos. Sa kabila ng mga ginawa umano ng pamilyang ito sa mga Pilipino.

Dapat raw ay mas naging maingat ang aktres sa pagpili ng mga taong bibigyan ng pagkakataon na ma-feature sa kanyang vlog lalo na’t malapit na ang eleksyon at malaking tulong ang vlog niya para sa exposure ng mga kandidato.

Diin pa ng iba, ninong raw kasi ni Toni sa kasal si Bongbong kaya paniguradong kakampi ito sa kaniya.

Para sa ilan, naging ‘neutral’ naman si Toni dahil may panayam na rin siya kay Bise Presidente Leni Robredo.

Marami rin naman ang nagtanggol sa aktres at sinabing wala itong pinapanigan. At nais lang nitong bigyan ng plataporma ang mga posibleng kumandidato sa 2022

Bukod dito, may karapatan din umano si Toni na magpasya kung sino ang guest niya dahil channel niya iyon.

Narito ang one-one-one interview ni Toni kay Bongbong:

Rayver Cruz, ibinahagi ang masalumuot na karanasan matapos dalhin ang sarili sa ospital nang dapuan ng C0vid

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang tinaguriang “secret hideout”