in

Rayver Cruz, ibinahagi ang masalumuot na karanasan matapos dalhin ang sarili sa ospital nang dapuan ng C0vid

Nakakatakot magkasakit sa panahon ngayon. Isa sa mga malaking realization ng mga tao ngayong may pandemya.

Bukod sa katotohanan na maraming tao ang nawawala, kulang na kulang ang ating health facilities upang matugunan ang pangangailangan medikal ng mga tao.

Maging ang mga VIPs, may katungkulan at mga celebrities man ay ramdam ang malaking pagsubok na ito sa atin.

Isa na rito ang Kapuso actor na si Rayver Cruz.

Sa isang report ni Nelson Canlas sa segment na CHika Minute sa 24 Oras nitong Lunes September 13, inihayag ni Rayver Cruz na halos tatlong buwan siyang nagpahinga matapos tamaan ng C0VID-19 at maospital.

“Nagkasakit kasi ako. Alam mo naman ‘yung v!rus na kung tawagin ay si COVID-19, nakuha ko rin.”

Una raw nakaramdam si Rayver na pananakit sa lower back na inakala niyang dahil lang sa labis na pagtatrabaho at workout.

“Nung time na ‘yon, nakakalungkot, na-down din ako. At first, akala ko napagod lang ako that day sa mga ginawa, sa pag-workout, sa trabaho. Akala ko sunod-sunod lang ‘yung pagod. 

Pagpapatuloy pa ng 32-year-old actor,

“‘Yung likod ko unang sumakit, ‘yung lower back ko hanggang pataas then sunod-sunod na. Naramdaman ko na ‘yung symptoms.”

Matapos mabatid kung gaano kaseryoso ang sakit na ito, napagdesisyunan niyang magtungo na agad sa ospital. At dahil wala siyang ibang kasama sa bahay, napilitan siyang pumunta nang magisa lamang.

“Medyo natakot din ako and mahirap kasi ako lang mag-isa. Tricky kasi ang COVID-19. ‘Pag biglang nag-drop yung oxygen mo or kung ano man mangyari, walang magsusugod sa ‘kin agad-agad.”

Sa huli, dahil sa kanyang nakakatakot na karanasan ay hinikayat niya ang mga manonood na magpabakuna na.

John Arcilla nagdadalamhati, napamura sa galit dahil sa mga kurap na pulitiko ngayong may pandemya

Toni Gonzaga binatikos ng mga netizens dahil sa panayam nito kay Bongbong Marcos