in

John Arcilla nagdadalamhati, napamura sa galit dahil sa mga kurap na pulitiko ngayong may pandemya

Labis ang pagdadalamhati ni John Arcilla sa sunud-sunod na pagkawala ng kanyang mga kapamilya nitong pandemya.

Isang taon matapos mamaalam ang kaniyang ama, muling sinubok ang pamilya ng beteranong aktor sa gitna ng pandemya. Matapos mamaalam ang kapatid na nasa Baler, Aurora nakaraang Hunyo 14.

At nitong linggo lang, namaalam ang kanyang kapatid na si Teresa Arcilla dahil sa C0’VID

Sa solo press conference ni John na inayos ng Star Magic para sa kanyang upcoming series na On The Job: The Missing 8. Inamin ni John na natakot na magpa-swab test ang kanyang kapatid at ma-confine sa ospital. Dahil sa mga “negative na sinasabi” tungkol sa quarantine facilities ng C0’VID patients.

Ayaw man manisi ni John ng sinumang tao sa pagkawala ng kanyang kapatid pero naniniwala siyang naging biktima ito ng “social injustice.”

Mangiyak-ngiyak si John na naglabas ng sama ng loob sa pagkawala ng kapatid lalo pa’t sa kabila ng pandemya ay mayroon ngang nawawalang bilyon na sana raw ay naipambili na ng mas maayos na mga gamot at facilities para sa mga pasyente ng C0’VID.

Sabi niya: NAKAKAP**Y*TA ang mga Pulitikong mas INUUNA PA ANG RAKET. Kesa kapakanan ng mga Pilipino at Buhay ng TAO.”

Sey pa ni John dapat raw ay palipasin muna ang pandemyang ito.

“Palipasin nyo man lang ang Pandemyang ito tsaka nyo na balikan ang KAGARAPALAN kung di kayo maawat! Nangangam*tay na ang mga TAO! Mahiya naman tayo! Nakakagalit na ng husto!”

Umaasa si Arcilla na magiging responsable ang mga Pilipino sa gitna ng pandemya upang hindi na sila matulad sa pinagdaanan ng kaniyang pamilya.

ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa may pahayag sa isang hurado na ipinahiya siya sa live telecast ng It’s Showtime

Rayver Cruz, ibinahagi ang masalumuot na karanasan matapos dalhin ang sarili sa ospital nang dapuan ng C0vid