in , ,

Sikat at magandang aktres, masayang ibinahagi sa publiko ang kanyang pagdadalantao

Sa gitna ng hirap at pasakit dulot ng pandemya, may mga magagandang bagay pa rin ang nangyayari sa atin. Laging piliin maging masaya at positibo.

Gaya na lang ng isang magandang balita ibinahagi ng Kapuso aktres at Starstruck alumna na si Rich Asuncion.

Masayang ibinahagi ni Rich sa kanyang Instagram account ang ikalawang pagbubuntis. Kasama sa kanyang ipinost na larawan ang panganay na anak at sa kanyang tummy ay nakasulat number 2.

“Baby number two on the way.”

Bumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawa hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kaibigan nila sa showbiz. Kabilang sina Sheena Halili, Diana Zubiri, Glaiza de Castro, at Marco Alcaraz sa mga bumati sa kanya.

Si Rich ay kasalukuyang nainirahan sa Canberra, Australia kasama ang sariling pamilya.

Nang iwan ni Rich ang showbiz sa Pilipinas, naging open parin ang aktres sa kanyang panibagong buhay sa ibang bansa.

Matatandaang noong Hunyo noong nakaraang taon, ibinahagi niya ang pagtanggap niya ng kanyang unang sahod bilang isang waitress sa isang restaurant doon.

Si Rich ay nagmula sa talent reality search ng GMA na Startstruck habang ang kanyang asawa ay isang rugby player. Si Rich at Benj ay ikinasal noong May taong 2018.

Nagkaroon ng anak na pinangalanan nilang Isabelle Brie na pinanganak noong December 2018.

RR Enriquez nakisawsaw na rin sa issue nina Paolo Contis at LJ Reyes

ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa may pahayag sa isang hurado na ipinahiya siya sa live telecast ng It’s Showtime