in

RR Enriquez nakisawsaw na rin sa issue nina Paolo Contis at LJ Reyes

Nang dahil sa pahayag ni Paolo Contis ukol sa pagpunta nila sa Baguio ni Yen Santos ay marami na ang pinagkatuwaan ito.

Kumakalat ngayon ang meme kung saan ay nakalagay ang bagong definition ng nasabing syudad.

“Baguio City – (n) lugar na pinupuntahan ng mga taong gustong magisip-isip na may kasamang as a friend na taga north din.”

‘Yan ang joke na kumakalat ngayon tungkol sa Baguio, obviously, dahil sa statement ni Paolo. Na nagpunta raw siya sa naturang lugar para mag-isip-isip at niyaya raw niya si Yen Santos for a day. Para may makausap since taga-North daw ang aktres.

“She went there as a friend,” sey pa ni Paolo.

Maraming netizens ang hindi naniniwala sa paliwanag na ito ni Paolo at feeling nila ay palusot lang ito ng aktor. Dahil bakit naman daw kailangang si Yen ang yayayain nito at hindi lalaki.

At isa na nga sa di naniniwala at nakisawsaw na din sa issue ay ang dating dancer ng Wowowee na si RR Enriquez.

“Ayaw ko talaga makisawsaw pero dahil sawsawera na yata talaga literal ang pagkatao ko simula nag pandemya, gusto ko na ituloy tuloy ito! Yung makisawsaw sa mga ‘Kasawsawerang Kapalakaan.’”

Pero aniya bilib siya kay Paolo sa pag-amin nito sa kanyang pagkakamali na nauwi sa hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Pero gaya ng ibang netizens, hindi din bumenta sa kanya ang “as a friend” statement ni Paolo.

“Kaso sumablay lang sa #4 bigla tuloy ako napaisip if sincere ang pag ako nya…Kasi hindi pa tinodo,” sey ni RR. “Ang masasabi ko lang sa #4 dont us!!”

At dito na n’ya inilatag ang kanyang paliwanag kung bakit hindi n’ya tinatanggap ang “as a friend” na sinabi ni Paolo.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Ogie Diaz tungkol sa pagkakaroon di umano ng anak ni Yen Santos sa isang pulitiko

Sikat at magandang aktres, masayang ibinahagi sa publiko ang kanyang pagdadalantao