in

ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa may pahayag sa isang hurado na ipinahiya siya sa live telecast ng It’s Showtime

Bumwelta ang ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa sa mga batikos na natatanggap niya ngayon online.

Kamakailan lang ay naging usap-usapan si Marilyn, ang isang contestant sa segment ng Its Showtime na ReiNanay.

On-air kasi ay nakiusap ang ina ni Marilyn na magbigay naman siya ng sustento sa kanyang mga anak dahil pandemic ngayon.

Ayon pa nga sa ina ni Marilyn ay sampung taon ng nakatira sa kanya ang mga apo at wala mang lang ibinibigay ni isang kusing ang kanyang anak.

“Wala po kaming masyadong kinikita. Ang kinikita po namin, pang-ulam, bigas, pang-araw-araw na budget,” ang umiiyak na sabi ng ina ni Marilyn.

Nang mahinga naman ng komento ang isa sa mga hurado na si Ruffa Gutierrez ay tila nahigh-blood ang aktres.

Aniya, “Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si Ate Janice at si Ate Amy. Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 yrs. na hindi mo sinusustentuhan. Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo”

Pinangaralan din niya ito at sinabihang kunin na ang mga anak sa nanay nito.

Maraming netizens din ang uminit ang ulo kay Marilyn. Kaya naman sobrang trending niya sa social media. At puro pangbabatikos ang kanyang natanggap.

Kaya naman isang video ang inilabas ni Marilyn upang ilabas ang sama ng loob niya sa isa sa mga hurado.

Saad ni Marilyn, “May isang judges na hindi marunong umintindi, pinahiya din po ako! Sana nu’ng time na po na ‘yun, naisip din niya na naka-live po kami. ‘Di rin marunong mag-isip ‘yung judges ho na ‘yun!”

Hindi man pinangalan ni Marilyn ang nasabing hurado ay siguradong si Ruffa ang kanyang tinutukoy.

Sikat at magandang aktres, masayang ibinahagi sa publiko ang kanyang pagdadalantao

John Arcilla nagdadalamhati, napamura sa galit dahil sa mga kurap na pulitiko ngayong may pandemya