in

Vilma Santos may nakakatuwang reaksyon ng makita ang bagong silang na anak na si Luis Manzano noon

Napuno ng tawanan ang Heart to heart talk ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano.

Muli na naman kasing naglaglagan ang mag-ina sa kanilang video lalo na nang mapag-usapan ang itsura ni Luis noong bagong silang pa lamang siya.

Sa latest vlog ni Luis, mismong ang Star For All Seasons ang guest niya at natanong nga niya ang kanyang mommy kung ano ang reaction nito noong nakita siya nito after siyang maipanganak.

Natatawang pag-amin ng actress-turned-politician, hindi daw talaga niya nagustuhan ang histura noon ni Luis nang makita niya ito sa nursery.

“Cesarean ako nu’ng pinanganak kita,” panimula ng premyadong aktres. “Tapos nu’ng dadalhin na ako…kasi kailangang magpa-breastfeed, dinala ako sa nursery…

“Pag dala sa [akin sa] nursery, hinahanap kita doon. Tapos may nakita ako, napatingin ako tapos sabi ko, ‘Ang laki naman ng batang ’to. Ang puti-puti. Walang eyebrows at ang puti-puti. Parang anak-araw,’” dire-diretsong kuwento pa ni Ate Vi.

“Kinausap ko yung nurse, sabi ko, ‘Nurse, nasaan po yung anak ko?’ Sumagot siya, ‘Ayan ho.’ Huh!?”ani Ate Vi sabay tawa uli.

Sabi pa raw ng veteran actress nang makita ang panganay na anak, “Bakit ganito itsura? Ang puti-puti, walang eyebrows. Parang malaking daga! Ito ba yung anak ko! Ha-hahaha!”

Pero agad namang sinabi ni Ate Vi, na sa unang tingin lamang niya nasabi ang mga ganu’ng reaksyon dahil habang tinititigan na niya si Luis ay unti-unti na itong gumugwapo.

At saka ibinida ni Ate Vi ang mukha ni Luis ngayon at ipinakikita pa sa kamera ang mukha ni Luis, “Jusko naman, ayan anak oh (ipinakita ni Ate Vi ang mukha ni Luis), paano ka naman niyan papanget?,” ani Ate Vi na ipinagmamalaking guwapo talaga ang anak niya.

 

Remember the former sexy star Ana Capri? This is her life now after leaving the limelight

Sikat na aktres, lubos na pinag alala ang mga fans sa sinapit nito habang nasa shooting