in

IG Live nina Heaven Peralejo at Gino Roque inulan ng samu’t saring komento ng netizens

Kinakitaan ng chemistry ang bagong Kapamilya loveteam na sina Heaven Peralejo at Gino Roque.

Parehong produkto ng “Pinoy Big Brother” ang dalawa na ngayon ay bibida sa romantic comedy series na “Pasabuy”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gino Roque IV (@ginoroqueiv)

Ang nasabing serye ay isinulat at idinerek ng Kapuso actor na ngayon na si Xian Lim. At sa pagpopromote ng kanilang pagtatambalang palabas ay nagsama sina Heaven at Gino sa isang IG Live.

Dito ay marami ang nakapansin na may chemistry nga ang pagsasama ng dalawa. Kitang kita kasi ito sa kanilang pakikitungo sa isa’t-isa.

Mabait at gentleman umano si Gino ayon sa paglalarawan ni Heaven, aniya, “Si Gino sobrang bait. Sobrang gentleman niya. I’m lucky to work with him, and sobrang swerte ng lahat ng mga makakatrabaho si Gino.”

Pinuri naman ng binata si Heaven, saad nito, “Working with Heaven is such a pleasure, she’s one of the best actresses in the country”

Samantala, ang nasabing IG Live streaming nina Heaven at Gino ay pinutakte naman ng komento ng maraming netizen.

May ilan na kinilig pero mas marami ang binash si Heaven at tila pinag-iingat si Gino sa sa aktres. Hindi na kasi naalis sa isip ng marami ang mga intrigang kinasangkutan ni Heaven.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Yung deretso ka nlang sa comment section sorry boss Gino idol kita pero now pass muna ako sa Live mo …kairita kasi nung isa”

“Kinakabahan ako para Kay Gino”

“boss wag ka papa biktima Jan jerald girl version yan”

“Lagot to kay Heaven. Mayaman pa naman si boss Gino. Baka mabiktima ka din HAHAH”

Narito ang IG Live nina Heave at Gino:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gino Roque IV (@ginoroqueiv)

 

Buboy Villar nagsusumikap para maibigay ang pangangailan ng kanyang dalawang anak

Remember the former sexy star Ana Capri? This is her life now after leaving the limelight