in , ,

Buboy Villar nagsusumikap para maibigay ang pangangailan ng kanyang dalawang anak

 

Totoo nga ang sinasabi ng matatanda, na kapag naging magulang ka na, mas makikilala mo ang iyong sarili.

At mas maiintindihan mo ang iyong mga magulang.

 

 

Ito ang natuklasan ng aktor na si Buboy Villar nang siya ay maging isang ama sa edad na 17.

Inamin naman ni Buboy na ang pagiging isang batang ama ay biglaang nangyari sa kaniyang buhay.

 

 

Taong 2015 nang makilala niya si Angiellyn Gorens, ang kaniyang naging long-time partner at nanay ng kaniyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.

 

 

Inamin ni Buboy na hiwalay na sila ni Angiellyn, subalit nananatili naman silang may maayos na pakikitungo sa isa’t isa.

 

 

Ito ay aniya para sa kanilang mga anak.

Sa kasalukuyan, sa mga magulang ni Angiellyn nakatira ang dalawang bata habang nasa America si Angiellyn at si Buboy naman ay abala sa kaniyang taping at kaniyang negosyo.

 

 

Dahil sa pagiging batang ama, mas maraming nadiskubre si Buboy sa kaniyang sarili. Aniya, kung hindi siya naging isang ama sa maagang edad, hindi siguro niya alam kung saan siya pupulutin ngayon.

 

 

Natutunan din niyang mas alagaan ang sarili para sa kaniyang dalawang anak.

Pag-amin din ng aktor, ayaw niyang maranasan ng kaniyang mga anak ang kaniyang naranasan kung saan hindi siya naging malapit sa kaniyang ama.

 

 

Sinisigurado din ni Buboy na masuportahan at matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang dalawang anak.

 

 

Maliban nga sa kaniyang pag-aartista, pinasok na din ni Buboy ang mundo ng pagiging YouTube vlogger.

 

 

Siya ay mayroon ding negosyo, ito ay ang kaniyang paresan na tinawag niyang ‘Paresan ni Bok.’

 

 

Inamin ni Buboy na malaking tulong ang kinikita niya sa kaniyang paresan dahil dito siya nakakakuha ng pandagdag suporta sa pangangailangan ng kaniyang mga anak

 

At determinado siya na maibigay ang mga pangangailangan ng kaniyang dalawang anak.

Yen Santos feeling “so down” daw ngayon ayon sa kanyang malapit na kaibigan

IG Live nina Heaven Peralejo at Gino Roque inulan ng samu’t saring komento ng netizens