in

Yen Santos feeling “so down” daw ngayon ayon sa kanyang malapit na kaibigan

Dahil sa mga kontrobersiyang kinakasangkutan ngayon, feeling “so down” daw ngayon ang aktres na si Yen Santos.

Sa ulat ng PEP.ph, ibinahagi ng kanilang source ang kalagayan ngayon ni Yen Santos. Matapos madawit sa mga isyung kinakaharap ni Paolo Contis.

Nakausap ng PEP ang malapit na kaibigan ni Yen. Kung saan naitanong nila kung nais magsalita ng aktres sa mga isyung ibinabato sa kanya.

“I will ask her. She’s so down rn [right now] kaya all we can do is comfort her,” sagot umano ng source.

Kalahating oras ang lumipas ay muli umanong sumagot ang source at sinabing, “No comment na muna si Lilieyen.”

Lilieyen Santos ang tunay na pangalan ng aktres, na unang nakilala nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

Nang usisain naman ng PEP kung ano ang augnayan ng source sa aktres, napag alaman nilang kapatid ito ng best friend ni Yen. “She’s a family friend. Bestfriend sya ng sister ko.”

Sa mga larawan naman na nakapost sa social media account ng hindi pinangalanang source ay makikita ang mga larawan ni Yen.

May mga komento din ang aktres sa mga post ng source at may mga litrato pang magkasama sila. Sa mga nakalipas na taon, mula pa noong 2013.

Sa Facebook page din ng fans ni Yen ay nailathala umano ang pagtatanggol ng source sa aktres.

Saad sa nasabing post, “Lilieyen is a smart girl and I don’t think she would ruin her reputation over a guy.”

Marami na raw nagkalat na intriga tungkol kay Yen noon pa man ngunit kahit isa ay wala naman umanong ebidensya.

John Lapus inilahad ang hirap na pinagdadaanan ngayon sa panayam niya kay Ogie Diaz

Buboy Villar nagsusumikap para maibigay ang pangangailan ng kanyang dalawang anak