in

John Lapus inilahad ang hirap na pinagdadaanan ngayon sa panayam niya kay Ogie Diaz

Naging emosyonal ang komedyanteng si John “Sweet” Lapus sa naging panayam niya kay Ogie Diaz.

Usapang pamilya at mga pinagdaanang dagok sa buhay ang pinagkwentuhan nina Sweet at Ogie.

Ayon sa komedyante, wala na siyang nararamdaman para sa kanyang pamilya dahil sa tagal ng panahon na tumulong siya ngunit wala man lang naisukli sa kanya.

Kwento pa ni Sweet bago pa mag-pandemic ay talagang malayo na ang loob niya sa kanyang mga kapatid at pamangkin, ngunit ang nanay naman nila ay nasa poder niya.

Aniya, siya na raw ang umiwas sa mga ito dahil napansin niyang walang nangyayari sa mga buhay nito at puro asa na lang sa tulong niya.

“Na-realize kong pagod na ko sa kanila. Pagod na akong tulungan sila kasi parang hindi nila tinulungan yung sarili nila,” saad ni Sweet.

Nang mawalan ng projects three to four years ago ay doon siya natauhan. Na walang nangyayari sa kanyang tinutulungang kapatid at pamangkin.

Hindi rin niya napigilang ikumpara ang kanyang mga kamag-anak na tinulungan. Sa iba niyang kaibigan na nakatanaw na ng utang na loob ang mga pinaaral na pamangkin.

“Pag tumanda ako, walang mag-aalaga sa’kin, kasi lahat sila, hindi kayang alagaan ang sarili,” lahad ni John.

Hiling naman ni John na sana’y maging maayos ang buhay ng kanyang pamilya.

Taliwas sa madalas na sinasabi ng iba na isa sa mga magagandang bagay na naidulot ng pandemya. Ay ang mas maraming oras kasama ang pamilya, mukhang hindi ‘yun ang siste sa komedyante.

Kaya nga raw takot siyang tumanda kay pag nag-eemote ito sa mga kaibigan ay sinasabi niyang sila na ang bahala sakaling mawala na siya.

Panoorin dito ang full video:

Ex-BF ni Rabiya Mateo, nag audition sa PBB upang ilahad ang kanyang side of the story

Yen Santos feeling “so down” daw ngayon ayon sa kanyang malapit na kaibigan