in

Joy Reyes nagsalita na ukol sa pagkadawit niya sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes

Nagsalita na ang dating partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes tungkol sa pagkasangkot ng pangalan niya sa isyu nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Isa si Joy Reyes sa mga itinuturong dahilan sa break up nina Paolo at LJ.

May netizens na binabanggit ang pangalan ni Joy sa gitna ng espekulasyon kung may iba nga bang babae si Paolo habang magkarelasyon sila ni LJ.

Noong September 1, tatlong netizens ang tahasang sinabihan si Joy na siya ang itinuturong third party sa breakup ng longtime couple.

Komento ng netizen sa Instagram post ni Joy: “Trending ka gurl. Ikaw daw ung 3rd party. Hope its not true. Kawawa lahat ng kids.”

Itinanggi ito ni Joy. Sabi ni Joy patungkol sa isyu , “that’s ridiculous I don’t know them personally.”

Singit naman ng isa pang IG follower n’ya, “I really hope so mam. Because [I] look up to you for being so strong despite of everything.”

Reply ni Joy sa kanya, “Check the links of the videos they are posting cos the truth is already out.”

Ang tinutukoy n’yang videos ay ang photos and videos kung saan nai-spot-an diumano si Paolo na may kasamang babae na kalat na ngayon sa social media.

Ipinagtanggol naman si Joy ng isa n’yang IG follower ngayon nadadawit s’ya sa hiwalayan nina Paolo at LJ.

Samantala, sa kanyang post sa Instagram, ay nilinaw ni Joy ang nasabing usapin.

Sinabi niya na hindi niya personal na kilala si Paolo kaya napaka-imposible na siya ang magiging third party.

Pawang mga imbento lamang at mula raw sa imahinasyon ang lumabas na mga balita.

Dating Childstar na si Clarence Delgado, Ito na pala siya ngayon!

Annabelle Rama pinagtanggol si Jinkee Pacquiao gigil na binatikos ang di pinangalanang kolumnista