in

Ex- Boyfriend ni Rabiya Mateo nag-audition sa PBB, may hugot patungkol sa hiwalayan nila

Nag-audition sa Pinoy Big Brother Season 10 ang ex-bf ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion.

Pinag-uusapan ngayon sa social media si Neil Salvacion, ang ex-boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, dahil sa tahasang pagsasabi niyang iniwan s’ya ng beauty-queen ex-girlfriend para sa pangarap nitong korona.

Sinabi ito ng 27-year-old nurse sa kanyang virtual audition video para sa paparating na 10th Season ng Pinoy Big Brother (PBB) na idinaan through the mobile app, Kumu.

Sa kanyang audition video ay ibinahagi ni Neil ang kanyang mga karanasan bilang nurse lalo na sa gitna ng pandemya.

Ibinahagi din nito na imbis na siya’y magtrabaho sa ibang bansa para sa mas malaking sweldo ay mas pinili niya na magsilbi sa kanyang sariling bayan.

Ngunit napansin ng mga netizen na tila may pasaring si Neil kay Rabiya. Na nakipaghiwalay sa kanya matapos itong sumali sa Miss Universe.

“Mas nakakalungkot pala na maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona.” saad ni Neil.

“It’s about time to share my story, how I conquered them, and how I will inspire other people. Bagong bahay, bagong buhay, bagong mga hamon sa buhay,” dagdag niya pa.

Seven years ang naging relasyon nila pero diumano’y may mga nag-advice kay Rabiya. Na kailangang may i-sacrifice siya para mas matupad ang kanyang mga pangarap.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang mga sinabi ni Neil na obvious namang pa-tungkol kay Rabiya.

Lalo pa’t ang mga ginawa nito ay para mairepresenta nang maayos ang bansa sa Miss Universe global stage. Bakit daw kailangang humantong sa paninirang-puri sa beauty queen.

“Pwedi nmn tuparin ang pangarap mo na makapasok sa bahay ni kuya na walang dinadamay na tao,” himutok ng isang netizen.

Annabelle Rama pinagtanggol si Jinkee Pacquiao gigil na binatikos ang di pinangalanang kolumnista

Ex-BF ni Rabiya Mateo, nag audition sa PBB upang ilahad ang kanyang side of the story