in

Annabelle Rama pinagtanggol si Jinkee Pacquiao gigil na binatikos ang di pinangalanang kolumnista

Iba talaga ang mga Bisaya palaban!

Sa mga nakalipas na araw ay puro pangbabatikos ang natatanggap ni Jinkee Pacquiao. Dahil umano sa mga ipinopost nito sa kanyang social media.

Ngunit hindi naman ito binibigyang pansin ng misis ng Pambansang Kamao.

At dahil nanatiling tahimik si Jinkee ay to the rescue si Annabelle Rama para ipagtanggol siya sa mga bumabatikos sa kanya.

Sa Instagram post ng kilalang prangkang si Anabelle ay isang mahabang pahayag ang binitiwan niya. Laban sa isang kolumnista na hindi naman niya pinangalanan.

Ani Anabelle, araw araw daw siyang nagbabasa ng mga balita dahil kinahiligan niya ito. Ngunit nabwisit daw siya hindi sikat na reporter.

Na walang tigil sa kasusulat ng negative things about Jinkee Pacquiao.

Sinabi nito na kaya siguro hindi nito tinitigilan si Jinkee dahil wala itong natatanggap mula sa asawa ni Manny.

Ugali din daw ng nasabing reporter ang manira ng mga celebrity at tiryahin ang mga ito ng below the belt.

Matapang na saad pa nga ni Anabelle, “Ang kapal talaga ng mukha mo. Pinapakain mo sa pamilya mo yung pera galing sa mga taong sinisiraan mo? Mahiya ka naman sa sarili mo”

Paglalahad pa nga ng Gutierrez matriarch galing daw sa paghihirap ni Manny ang perang ginagastos ni Jinkee at wala siyang pakealam dito.

Sinabihan din ni Annabelle ng massakit na salita ang reporter na kanyang tinutukoy. Binaggit din nito na idinemanda na ng pamilya niya noon ang reporter at natalo ito.

Nagmakaawa lamang kay Jinggoy Estrada para hindi siya makulong.

Payo pa nga ni Annabelle sa reporter ay magbagong buhay na ito lalo na’t tumatanda na siya.

Narito ang mga post ni Anabelle:

Joy Reyes nagsalita na ukol sa pagkadawit niya sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes

Ex- Boyfriend ni Rabiya Mateo nag-audition sa PBB, may hugot patungkol sa hiwalayan nila