in , ,

Totoong ugali ni Judy Ann Santos nasaksihan ng mga fans sa isang mall

Mga fans, nagulat sa inasal ng aktres na si Judy Ann Santos.

 

 

Bibihirang makakita ng artista na mag-isang gumagala sa mga mall na hindi kunektado sa kanilang trabaho.

 

 

Dahil paniguradong dudumugin sila ng kanilang mga taga-hanga.

Kaya naman talagang napakahirap para sa mga sikat na artista na mamuhay ng normal sa likod ng kamara.

 

 

Ang iba ay may mga kasama pang bodyguards para lamang maprotektahan sila sa bawat lakad nila.

 

 

Ngunit may ilan naman na pinipiling magliwaliw mag-isa at hindi magpa VIP sa kung saan man sila mapunta.

 

 

Tulad na lamang ng aktres na si Judy Ann Santos.

Di makakaila na isa si Juday sa mga artistang maraming mga fans, dahil marami na ang sumusubaybay sa kanya mula pagkabata.

 

 

Ngunit tila ba walang pangambang nararamdaman si Juday na pumunta sa lugar na maraming tao.

 

 

Namataan kasi siya sa isang mall na naglilibot-libot at namamasyal kasama lamang ang kaniyang kaibigan.

 

 

Wala siyang natanggap na “VIP treatment”, para bang isa lamang siyang ordinaryong tao na nagpunta sa mall.

 

 

Sa video sa YouTube ay makikita kung ano talaga ang tunay na ugali ni Juday sa likod ng kamara.

Makikita sa nasabing video ang kanyang kabaitan dahil wala siyang pinahindian na fans na gustong maki-selfie sa kanya.

 

 

Ang aktres pa mismo ang humahawak sa cellphone ng kanyang mga tagahanga para aniya’y maganda ang anggulo.

 

 

Kaya naman umani ng papuri ang ginawang ito ni Judy Ann, may ilan pa ngang nagsabi na napaka humble nito.

 

 

Makatao at nanatiling down to earth daw ang aktres kaya naman hanggang ngayon ay tinitingala pa rin siya sa industriya ng showbiz.

 

Ang tahimik at simpleng buhay ni Rachelle Ann Go sa UK kasama ang napaka gwapong hubby at cutir baby

Jelai Andres nagluluksa ngayon sa pagkawala ng kanyang Lola, sinagot ang mga netizen na bumabatikos sa kanya