in

Paolo Contis nagsalita na, ipinaliwanag na ang isyung ibinabato sa kanya dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes

Binasag na ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang kanyang pananhimik. Ukol sa mga kontrobersiyang kinakaharap niya ngayon.

Sa kanyang Instagram post ngayong gabi, September 8, naglabas na si Paolo ng kanyang pahayag.

Aniya, matapos umano ang interview ni LJ Reyes kay Boy Abunda ay katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap niya.

Ngunit ayon sa aktor hindi naman niya pwedeng sabihin na hindi niya deserve ang mga natatanggap na hateful comments.

Gusto lang sana niyang manahimik ngunit marami na umanong taong nadadamay na hindi dapat. Kaya napagdesisyunan niya ng magsalita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Una ay nilinaw niya ang tungkol sa dru6s at nagresulta umano ng pananakit niya kay LJ at sa mga bata.

Mariing itinanggi ito ni Paolo at ni minsan daw ay hindi niya sinaktan ang mga ito dahil sa pagmamahal sa kanila.

Ang sumunod naman ay tungkol sa third party issue. At dito ay inamin niyang naging marupok siya habang nagsasama sila ni LJ.

Kaya naman nanghingi siya ng patawad sa aktres dahil sa pagkakamali niyang ito.

Itinanggi din ni Paolo na si Yen Santos ang dahilan ng break up nila ni LJ. Niyaya niya lang umano si Yen dahil malapit ito sa Baguio.

Ito daw ay noong mga panahon na umalis papuntang merica si LJ kasama ang mga bata.

Sinamayan lang umano siya ni Yen bilang isang kaibigan at hindi niya naisip na madadamay ito sa isyu.

Hiniling din ni Paolo na ‘wag batikusin si Lolit Solis sa pagtatanggol nito sa kanya. Dahil aniya, nanay niya ito.

Sa sumunod na post ni Paolo ay nanghingi siya ng patawad kina Lian Paz, sa mga anak ni LJ at lalong lalo na sa aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Jelai Andres nagluluksa ngayon sa pagkawala ng kanyang Lola, sinagot ang mga netizen na bumabatikos sa kanya

Dating Childstar na si Clarence Delgado, Ito na pala siya ngayon!