in

Jelai Andres nagluluksa ngayon sa pagkawala ng kanyang Lola, sinagot ang mga netizen na bumabatikos sa kanya

Hindi mapigilan ni Jelai Andres ang pagbuhos ng kanyang mga luha habang inaalayan niya ng kanta ang yuma0 niyang Lola.

Habang nakabur0l ang Lola ni Jelai kinanta niya ang “Paglisan” kung saan makikita ang kanyang pagiging emosyonal.

Ito ay ibinahagi ni Jelai sa kanyang Instagram post kalakip ng tla isang paalalang caption.

Saad ni Jelai, “Pls hug your grandparents a little tighter today. Hug them while you still can. In loving memory of my Lola. Ang taong pinakamabuti, pinakamabait, matiisin, mapagpatawad at mapagmahal na nakilala ko”

Ayon pa sa Kapuso actress, “Yung event na pinaka hirap na hirap akong kantahan I love you forever Nanay Mona. Kung pwede lang pahintuin ang oras Until we meet again.”

Samantala, umani naman ng batikos si Jelai mula sa mga netizens. Sinabi ng mga ito na karma daw umano ng aktres ang pagkawala ng kanyang Lola.

Ito ay mula mula sa mga die-hard fans ng asawang si Jon Gutierrez. Bukod pa rito, ginawa ring katatawanan ng mga fans sa kanilang group chat ang pagluluksa ng pamilya Andres.

Kaya naman hindi ito pinalagpas ni Jelai. Aniya, “Sa mga nagsasabing karma sakin pagkamatay ng lola ko at nagdidiwang sila kasi nagluluksa kaming pamilya at nasasaktan ako ng sobra. Yes karma nga!

“I think Good karma. Kasi bnigyan sya ni Lord ng mahabang buhay 99years old na sya. At naranasan nia ang napakaganda at masayang masayang buhay at punong puno ng pagmamahal. Hindi namin siya nabigyan ng sama ng loob. Minsan lang sumama loob niya nung sinasaktan ako ng ibang tao,” pahayag ng aktres sa kaniyang Facebook page.

Nagpasalamat naman ang aktres sa mga taong nakikiramay sa kanilang pamilya.

Totoong ugali ni Judy Ann Santos nasaksihan ng mga fans sa isang mall

Paolo Contis nagsalita na, ipinaliwanag na ang isyung ibinabato sa kanya dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes