in , ,

Ang tahimik at simpleng buhay ni Rachelle Ann Go sa UK kasama ang napaka gwapong hubby at cutir baby

Rachelle Ann Go, tahimik at simple na ang pamumuhay kasama ang kanyang sariling pamilya sa UK ngayon.

Naalala niyo pa ba ang isa sa mga magaling na OPM singer na si Rachelle Ann Go? Marahil ang karamihan sa inyo ay nagtatanong kung nasaan na siya ngayon.

Malayo na sa spotlight at showbiz and buhay ng singer ngayon sa United Kingdom.

Sa katunayan, siya ay isang mommy na din sa kanyang anak na si Lukas Judah sa asawang si Martin Spies.

Matapos lisanin ni Rachelle ang kanyang showbiz career, lumagay na sa simpleng pamumuhay ang singer kasama ang kanyang asawa.

Ikinasal siya kay Martin noong April 18, 2018 sa beach wedding na ginanap sa Shangrila-La Resort sa Boracay.

Matapos ang kanilang kasal, nagpasya din ang mag-asawa na sa UK na manirahan. Umalis man sa showbiz, naging aktibo naman si Rachelle sa kanyang YouTube channel.

Dito, ibinabahagi niya ang kanyang naging pamumuhay sa ibang bansa. Una niya ding inilantad ang kanyang pagbubuntis noong November 20, 2020 sa pamamagitan ng YouTube vlog.

Ipinanganak naman ng actress-singer ang kanyang healthy baby boy noong March 26, 2021. Proud niya itong ibinahagi sa kanyang Instagram account.

Makikita din sa kanyang social media ang kanilang family photos. Mahihinuha na masaya na si Rachelle kung ano man ang meron siya ngayon.

Ang kanyang mga fans at followers ay masaya din sa naging tahimik at simpleng buhay niya sa ibang bansa.

Sa ngayon, aktibo naman si Rachelle sa kanyang social media accounts.

Ina ng menor de edad na girlfriend ni Whamos Cruz naghayag ng saloobin laban sa vlogger

Totoong ugali ni Judy Ann Santos nasaksihan ng mga fans sa isang mall