in

Pahayag noon ni Paolo Contis tungkol sa hiwalayan nila ni Lian Paz usap-usapang muli

Ang aktor na si Paolo Contis pa din ang usap-usapan ngayon sa social media.

Ito ay dahil sa maintrigang hiwalayan nila ng partner niyang si LJ Reyes.

Ngayon naman ay muling nag-viral ang naging pahayag noon ng aktor tungkol sa hiwalayan nila. Ng dating misis na si Lian Paz.

Nilinaw nitong walang third party na involved sa kanilang hiwalayan.

Sabi kasi ni Lian noon, isang taon na raw ang pakikipagrelasyon ni Paolo sa ibang babae.

Sinabi rin ni Lian na si Paolo ang nagdesisyong maghiwalay sila, pero hindi sinabi ng dating miyembro ng EB Babes ang dahilan.

Sagot naman ni Paolo, mas alam ni Lian ‘yun dahil ilang buwan daw siyang walang drama series na ginagawa, nasa bahay lang ito at nagbabantay sa dalawang anak nila.

Sa dami ng problemang hinaharap niya ngayon, wala siyang panahong makipaglandian sa ibang babae.

Ayaw na talaga ni Paolo na magbatuhan sila ng paninira sa TV. Kung puwede lang daw, pag-usapan nila ito in private at hindi na ilabas sa TV.

Sa panayam noon kay Paolo, sinabi niyang hindi naging madali ang desisyon nilang iyon at matagal daw niya itong pinag-isipan.

Pero hindi rin daw niya puwedeng sabihin kung ano talaga ang dahilan ng desisyon niyang makipaghiwalay.

Sabi ni Paolo, “Hindi ito biglaang desisyon. Lahat naman ng desisyon, pinag-isipan nang mabuti.

“Merong mga pinanggalingan kung bakit naging desisyon siya. “I’d rather not go into details kasi it’s a private matter. I’d rather not make it public.

“Baka marami lang masaktan. Baka mas maraming tamaan. Sa amin na lang yun. “Ang importante lang naman, ang may alam, kami.”

Nabanggit naman na posibleng dahilan ng paghihiwalay nina Paolo at Lian ay dahil sa cultural differences nila.

Dating kontrobersyal na Kapamilya actress, binansagang “drama royalty” ngayon ng TV5

Ina ng menor de edad na girlfriend ni Whamos Cruz naghayag ng saloobin laban sa vlogger