in

Ina ng menor de edad na girlfriend ni Whamos Cruz naghayag ng saloobin laban sa vlogger

Nagngangalit sa gigil ang ina ng girlfriend ni Whamos Cruz na si Antonette Gail Del Rosario.

Kamakailan lang ay naging talk of the town si Whamos dahil sa magandang girlfriend nito.

Aniya, natagpuan na niya ang kanyang true love sa katauhan ni Antonette. Nakapanayam pa sila kamakailan sa programang “Kapuso Mo Jessica Soho.”

Dito ay ikinwento nila kung paano sila nagkakilala at nagkapalagayan ng loob. Nagkakilala sila nang minsang gayahin ng dalaga ng dance challenge sa Tiktok ni Whamos.

Napansin naman ito ni Whamos at doon na nagsimula ang madalas na dance collab nilang dalawa, na nauwi sa panliligaw ni Whamos kay Antonette.

Ilang araw naman ang lumipas ng mag-viral ang magkasintahan ay bigla na lamang umalma ang ina ng dalaga.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng ina ni Antonette na si Dolly Gail Del Rosario ang kanyang saloobin.

Kung saan galit na galit ito dahil sa pangbabalewala diumano ni Whamos sa kanya. Sinilaw din umano ng vlogger sa materyal na bagay ang kanyang anak.

Kaya ito nagdesisyon na talikuran ang kanilang pamilya at sumama ito sa kanya.

Ginapang niya daw sa hirap ang kanyang mga anak ngunit hindi man lang daw marunong tumanaw ng utang na loob ang mga ito.

Sa sumunod naman niyang post ay sinabi nitong magtatapos pa ng pag-aaral si Antonette. Marami pa umano siyang pangarap sa anak ngunit hindi ito matutupad ng dahil kay Whamos.

Inilahad din ni Dolly Gail na hindi siya nagkulang sa kanyang mga anak at nais lamang niya ay ang kabutihan ng mga ito. Hiling niya din na irespeto ng kanyang anak at ni Whamos ang kanyang kagustuhan.

Pahayag noon ni Paolo Contis tungkol sa hiwalayan nila ni Lian Paz usap-usapang muli

Ang tahimik at simpleng buhay ni Rachelle Ann Go sa UK kasama ang napaka gwapong hubby at cutir baby