in

Yen Santos pinutakte ng mga netizens, mga TikTok videos ng aktres pinag-initan

Ayaw pa din talagang tantanan ng mga netizens ang aktres na si Yen Santos.

Magmula ng masangkot ang pangalan ni Yen sa hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis hindi na siya tinigilan ng batikos.

Si Yen kasi ang tinuturong “mystery girl” sa mga kumakalat na video at larawan na kasama ni Paolo.

Lumabas ang mga nasabing video at larawan na agad nagviral isang araw lang matapos ang interview ni LJ kay Boy Abunda.

Kung saan kinumpirma ng Kapuso actress na hiwalay na nga sila ng ama ng kanyang pangalawang anak na si Summer.

Makatapos ng pahayag na iyon ni LJ ay pinutakte na ng netizens sina Yen at Paolo. Na naging malapit dahil sa pinagsamahan nilang pelikula na “A Faraway Land”

Pinagtanggol pa noon ng mga batikang kolumnista na sina Lolit Solis at Cristy Fermin sina Yen at Paolo.

Ngunit mas masigasig kumalap ng ebidensya ang mga netizens para mapatunayan na ang dalawa nga ang nasa viral video at photos.

Gamit ang mga post sa IG Account nina Paolo at Yen ay napag-alamang parehas ang mga suot na tsinelas ng mga ito. Sa suot na tsinelas ng mga celebrity na nasa viral video.

Samantala, hindi lang ang pagkalap ng ebidensya ang pinagkakaabalahan ngayon ng ilang netizens.

Dahil ang ilang TikTok videos ni Yen na may kaugnayan sa pakikipagrelasyon ay kanilang binalikan.

Una na rito ay ang tungkol sa “flirting”

@yen_sim not going to fff♬ original sound – Kaynekiara

Kasunod naman ay ang kantang dina-dub din ni Yen na may lyrics tungkol sa hindi bagay na magkarelasyon.

@yen_s😽♬ Maikee’s Letters – Just Hush

At ang panghuli naman ay ang tungkol sa “walang label” na ani ng mga netizens ay bagay na bagay kay Yen.

@yen_sayyy🙈♬ Walang Label Daw – diana_baluyot on ig

 

Eric Fructuoso, todo ang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Mark Herras noon.

Janella Salvador ibinahagi kung gaano kasaya ang buong araw niya habang alaga ang kanyang anak