in

Janella Salvador ibinahagi kung gaano kasaya ang buong araw niya habang alaga ang kanyang anak

Isa sa pinakamagandang regalo na dumating sa buhay niya kung ituring ni Janella Salvador ang kanyang anak.

Matatandaan na nakaraang taon ay itinago ni Janella ang kanyang pagbubuntis sa publiko. Lumipad siya sa United Kingdom, sa hometown ng kanyang partner na si Markus Paterson.

Ngunit hindi din niya naitago ang lihim na panganganak noong October 2020.

Hanggang sa nitong taon lang ay ipinakilala na nga niya sa mundo ang baby nila ni Markus na si Baby Jude.

Ayon nga kay Janella, hindi niya mailarawan ang saya na kanyang nararamdaman sa pagdating ni Baby Jude sa kanilang buhay.

At sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng aktres ang isang buong araw na bonding nila ng kanyang anak. Ibinahagi niya din ang mga bagay na ini-enjoy niya tuwing sila lang ang magkasama.

“Ano ang ini-enjoy ko? Everything. Tutok na tutok kasi ako sa lahat ng milestones niya. Sobrang nakatutok ako. Gusto kong ma-capture lahat, gusto ko ma-witness lahat every time he learns something new. Like now, he just learned how to say mama. I am so happy na na-witness ko ‘yon,” saad ng aktres.

Pag-amin ni Janella, isa sa pinakamalaking hamon bilang isang bagong ina ay ang kawalan ng sapat na tulog.

“Minsan dahil wala kang tulog, mas maiksi ang pasensiya mo. Parang mabilis ka sigurong mag-break down. Minsan parang feeling mo ‘ayaw ko na.’ Parang ‘yung the whole world is just crumbling. Pero ayon, parang wala eh, kapag nakita mo nag-smile ang baby mo, instant nawawala na ‘yung lahat ng pain, lahat nang pinagdadaanan mo,” aniya.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Yen Santos pinutakte ng mga netizens, mga TikTok videos ng aktres pinag-initan

Dating kontrobersyal na Kapamilya actress, binansagang “drama royalty” ngayon ng TV5