in

Ayon kay Ogie Diaz na dating manager ni Heaven Peralejo, hiwalay na ang aktres at nobyong si Kiko Estrada

Tila pang trial card lang talaga kung ilarawan ng mga netizens ang relasyon nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo.

Mismong dating manager ni Heaven na si Ogie Diaz ang nagbunyag na hiwalay na umano ang dalawa.

Sa kanyang latest vlog sa kanyang Showbiz Updates ay ipinahayag ito ni Ogie.

Saad na batikang kolumnista at talent manager, “Kapag ganyan na nag-unfollow na si lalake du’n sa babae, wala na ‘yun…

“Mako-confirm natin kung talagang wala na sila kung si Heaven ay mag-a-unfollow na rin kay Kiko at magde-delete na rin siya ng photos nila.”

“So ‘yun na ‘yon, one way of saying, ‘wala na kami.’ Hindi natin alam kung ano ang rason. Pero ako may nakausap ako, wala na sila, nag-split na sila.”

Lumabas ang pahayag na ito ni Ogie matapos mag-viral ang ginawang pag-unfollow ni Kiko kay Heaven sa IG. Binura na din ng binata ang mga litrato nila sa kanyang account.

Lumakas ang bulong bulungan ng mga netizens na hiwalay na agad ang dalawa dahil sa ginawang ito ni Kiko.

Samantala kasunod naman ng naturang pag unfollow at pagbura ng litrato ay nagbahagi naman ng isang tweet si Heaven, isang laughing emoji lamang ang ibinahagi nito at wala nang iba pang sinabi.

Intriga tuloy ng taga hanga ni Heaven na baka trip lamang talaga ni Kiko ang magbura ng mga post niya at mag unfollow, lalo pa’t ginawa niya na rin ito noon. Kapansin-pansin din naman na hindi lamang si Heaven ang ini-unfollow ni Kiko kundi lahat ng pina-follow niya.

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz:

China Roces nahanap na ang kanyang forever, engaged na ngayon sa kanyang boyfriend

Eric Fructuoso, todo ang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Mark Herras noon.