in

Isabel Oli, ibinunyag na muntik na rin silang magpakasal ni Paolo Contis!

Isabel Oli, ikakasal din pala dapat noon kay Paolo Contis!

Isa din si Isabel Oli sa dapat mapapangasawa ng aktor na si Paolo Contis.

Binabalot ng kontrobersiya ang pangalan ni Paolo ngayon dahil sa kanilang naging hiwalayan ng asawang si LJ Reyes.

Noong una, “no third party” involved umano ang nangyari kaya naging tahimik ang kanilang hiwalayan. Pero nitong mga nakalipas na araw, tila nagbabago ang ihip ng hangin.

Ito ay matapos may makakita umano kay Paolo kasama ang isang babae na tinuturong si Yen Santos.

Dahil dito, hindi na naiwasan ng mga netizens na halungkatin ang naging past relationships ng Kapuso actor.

Sa katunayan nga, maging ang dating asawa niya na si Lian Paz ay nabanggit na din sa isyu. Hinalintulad kasi ng ibang netizens ang nangyari sa kanila.

Katulad kay LJ Reyes, mayroon din naging anak na babae si Paolo kay Lian at dalawa pa ito. Habang si LJ at Paolo naman ay may isa ding anak na babae.

Pero maliban kila LJ at Lian, muntik din pala mapangasawa ng aktor si Isabelle noon.

 

Sa past interview ng aktres noon, ibinunyag ni Isabelle na nag propose si Paolo sa kanyang birthday noon.

“[Thus year] sana [ang kasal] pero wala pang specific date,” pagbubulgar ng aktres.

Pero hindi din daw nagtagal ang engagement dahil naghiwalay sila matapos ang tatlong linggo at ibinalik ni Isabel and singsing kay Paolo.

Feeling daw ng aktres ay hindi OK ang relasyon nila noon. Kaya naman nagdesisyon siyang hindi ipursue ang engagement nila ni Paolo.

Sa ngayon, masaya nang maybahay si Isabel kasama ang aktor na si John Prats. Mayroon na silang tatlong anak.

Para sa aktres, ay napakaswerte niya dahil si John ang kanyang naging kabiyak.

Ano pong masasabi  niyo dito?

Isa ulit haligi ng industriya, namaalam na dahil sa C0vid

China Roces nahanap na ang kanyang forever, engaged na ngayon sa kanyang boyfriend