in

China Roces nahanap na ang kanyang forever, engaged na ngayon sa kanyang boyfriend

Proud at masayang ibinahagi ni China Roces na ikakasal na siya soon!

Sa kanyang latest social media post ay ibinahagi ni China na natupad na ang isa mga pinapangarap niya.

Kung saan makikita ang suot niyang singsing kasama ang kanyang pamilya at ang kanyang nobyo ngayon na si Papi Paul.

Sa kanyang caption ay pinasalamatan ni China ang kasintahan dahil tinupad nito ang isa sa mga pangarap niya.

Aniya pa, hindi isyu ang edad at ang mahalaga ay ang tunay na pag-ibig.

“SEALED WITH A KISS AND INDEED GOD ANSWERS PRAYERS” saad nito.

Dagdag pa niya, “Thank you Lord for this!!Bless Us More The Man that made love possible.. It is not the age but the sincerity of love that goes with it.. Thank U Papi Paul for making this Dream Come True!! I LOVE YOU”

Marami naman ang agad bumati sa sikat na vlogger at model sa comment section ng kanyang post.

Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens:

“Too fast to commit, too quick to quit. Prepare the next brokenheartedness. Yet, congratulations. Just put all things in prayer. Hope you both last.”

“Sana totoo kang mahal ni papi paul para di mag sisi bandang huli”

“Congratulations! Looking forward to seeing you both saying I do’s”

“Goodluck… Di sana namin kayo mapanood kay tulfo so soon. Keep the relationship strong that can last a lifetime”

Matatandaan na saksi ang publiko sa naging masalimuot na relasyon ni China sa dati niya partner na si Tim Sawyer.

Umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo hanggang sa nagkademandahan pa sila. Gayunpaman, nagbunga naman ng isang anak ang kanilang pagmamahalan na nauwi din sa hiwalayan.

Isabel Oli, ibinunyag na muntik na rin silang magpakasal ni Paolo Contis!

Ayon kay Ogie Diaz na dating manager ni Heaven Peralejo, hiwalay na ang aktres at nobyong si Kiko Estrada