in

Vlogger na si Whamos Cruz iniwan diumano ang kanyang mag-ina noong sumikat na siya

Inakusahang iresponsableng ama diumano ang vlogger na si Whamos Cruz.

Isa si Whamos sa kinagigiliwang internet personality. Ang kanyang mga nakakatuwang video ay laging trending sa social media.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan online si Whamos. Ito ay matapos niyang ipakilala sa madla ang kanyang “true love.”

Sa kanyang social media post, isang video ang ibinahagi ng sikat na vlogger. Kung saan makikita na nakamtan na niya ang matamis na oo ng kanyang sinisinta.

Ngunit makatapos mag viral nito, isang issue ang agad lumabas tungkol sa vlogger. Iniwan umano ni Whamos ang kanyang ex-girlfriend at anak nito para sa career niya.

Sa kumakalat na screenshot ng komento ni “Cyril,” pamangkin niya umano ang ex-girlfriend ni Whamos, wala raw umanong ibinigay na sustento si Whamos sa anak nito.

“Sa lahat ng walang alam at sa lahat ng proud na proud kay Whamos, lilinawin ko lang ah, iniwan niya at pinagpalit niya yung pamangkin ko at apo ko para sa career niya,” ani Cyril

“Yung latest post niya about sa nagsusumikap niya? that is wrong kase ni isang kusing wala siyang binibigay”

“iniwan at niloko niya yung mag ina para sa opportunity niya na sumikat lalo!!” paglalahad pa nito.

Inakusahang iresponsableng ama ng kamag-anak ng umano’y dati niyang nobya si Whamos at tinawag pang mukhang lamok.

“icocorrect ko lang lahat ng taong nagsasabing binabash yung idol niyong mukang lamok.”

Gusto lang umano ng kaanak ng dating nobya ni Whamos na magsustento siya sa kanyang anak.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang kumakalat na issue. Ngunit wla pang pahayag ukol dito ang sikat na vlogger.

Lolit Solis ipinagtanggol si Paolo Contis matapos mabash dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes

Yen Santos, isinama na sa mga larawan nila Julia at Heaven, sa WHO WORE IT BEST challenge