in

Throwback interview kay Yen Santos tungkol sa pahayag niya sa mga “other woman” naungkat ng netizens

Muling naungkat ang dating panyam ng PUSH kay Yen Santos tungkol sa mga “KABIT”

Dahil sa hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis ay biglang nadawit ang pangalan ng aktres na si Yen Santos.

Si Yen Kasi ang itinuturong dahilan diumano sa nangyaring hiwalayan ng dalawang Kapuso Artist.

Nauna kasing lumabas kahapon ang ilang litrato ni Paolo na may kasamang ibang babae. Isang araw lang matapos ang naging panayam ni Boy Abunda kay LJ Reyes.

Noong una ay naging misteryoso kung sino nga ba ang babaeng kasama ni Paolo sa nasabing larawan.

Ngunit ngayong araw lang ay may video clip na nag-viral kung saan makikitang naglalambingan habang naglalakad si Paolo at ang “mystery girl”

Nakilala naman ng maraming netizens na ang babaeng kasama ni Paolo sa litrato at video ay iisa. At ito ay walang iba kundi si Yen Santos.

Hinuha tuloy ng marami na si Yen ang 3rd party sa hiwalayang Paolo at LJ. Kaya naman, binalikang muli ng mga netizens ang naging panayam noon ni Yen.

Kung saan nagbigay siya ng mensahe tungkol sa mga “kabit”. Ito ay noong mga panahon na sikat ang kanilang serye na “Halik.”

Siya ang gumanap noon bilang Jackie na isang legal wife.

May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli. 

May mga bagay na sa una lang masaya, nakukuha mo ‘yung gusto mo, pero ang totoo niyan, ano ka ba talaga sa buhay ng taong pinasukan mo? Pwedeng sa bandang huli talagang ibabasura ka lang pala niya pero andyan may taong nagmamahal, may tao talagang nagmamahal para sa’yo na tanggap ka kung ano ka,”

Yen Santos, isinama na sa mga larawan nila Julia at Heaven, sa WHO WORE IT BEST challenge

Isa ulit haligi ng industriya, namaalam na dahil sa C0vid