in

Lolit Solis ipinagtanggol si Paolo Contis matapos mabash dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes

Bilang Manager ni Paolo Contis, Lolit Solis dinepensahan ang aktor laban sa mga bumabatikos dito.

Hindi natuwa ang mga netizen sa pagdepensa ni showbiz columnist Lolit Solis sa alaga niyang si Paolo Contis.

Bagama’t hindi nakumpirma kung third party ba ang dahilan o kung may issue financially, mukhang sapat na sa netizens ang sakit na nararamdaman ni LJ Reyes para kagalitan ang aktor.

Bukod pa rito, tinawag na “manipulator” ni LJ si Paolo dahil nakakaya nitong paniwalain siya sa mga sinasabi nito sa kaniya.

To the rescue naman ang talent manager ni Paolo na si Lolit Solis para depensahan ang alaga.

Sa Instagram post, sinabi ni Lolit na hindi lang si LJ Reyes ang hurting sa hiwalayan nila ni Paolo.

“Iyon broken relationship hindi lang ang babae ang hurting. Sa mga nakita ko madalas pa ngang in pain at mas mahirap mag move on iyon lalaki dahil hindi tulad ng babae na open sa kanilang nadarama, mas madalas na itinatago ng mga lalaki ang tunay nilang feeling,” ani Lolit.

“Ayaw nila na malaman in pain sila, iyon false machismo kadalasan na para bang pag lalaki dapat stronger. Dapat mas matapang sa pagtanggap ng nasirang relasyon. At kadalasan, para walang masabi na they will regret later, tumatahimik na lang sila,” patuloy niya.

“I feel for Paolo Contis and LJ Reyes. Matagal din ang naging relasyon nila, nagkaruon sila ng anak, at ngayon ay hiwalay na sila. Imposible na hindi sila parehong nasaktan,” dagdag niya.

Hiling ni Lolit na sana ay wala raw “bitterness” na mamagitan kina LJ at Paolo, at maging friends pa rin para sa anak na si Summer.

Inilahad nito na nasasaktan din umano si Paolo sa nangyaring hiwalayan lalo pa’t lumayo na ang kanyang mag-ina.

LJ Reyes sinama na ang mga anak, umuwi na sa pamilya sa New York City USA

Vlogger na si Whamos Cruz iniwan diumano ang kanyang mag-ina noong sumikat na siya