in

LJ Reyes sinama na ang mga anak, umuwi na sa pamilya sa New York City USA

Lumipad na papuntang New York si LJ Reyes kasama ang kanyang dalawang anak.

Noong September 1, ipinalabas ang kabuuang interview niya kay Boy Abunda sa YouTube channel ng huli.

Sa teaser palang na inilabas ng The Interviewer ni Boy Abunda obvious nang kinumpirma na ni LJ. Ang hula ng mga Netizens na hiwalay na nga sila ni Paolo.

Kasabay ng pagkumpirma na hiwalay na sila ni Paolo Contis, nagbigay ng ilang detalye si LJ tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon para maituwid ang ilang maling impormasyon na kumakalat.

Sa panayam ni Tito Boy, ipinaliwanag ni LJ kung bakit kinailangan nilang iwan ng kaniyang mga anak si Paolo.

Ayaw magkomento ni LJ patungkol sa mga usap-usapan na may “third party” na sangkot sa kanilang paghihiwalay.

“Sa totoo lang kung ano man yung third party na sinasabi nila, its actually the least of my concerns,” sabi niya.

Sa nakalipas na dalawang buwan, sinabi ng aktres na mayroon siyang mga natutuklasan.

Kinumpirma din ni LJ kay Boy Abunda na last week pa siya umalis papuntang New York.

Kasama ang dalawang anak niya. Si Aki na anak niya kay Paulo Avelino at si Summer na anak nila ni Paolo.

Dual citizen si LJ kaya madali para rito na makaalis ng bansa kahit na may pandemic. Nasa US din ang kanyang ina at kapatid.

Isang linggo na sila roon pero wala siyang binanggit kung hanggang kailan sila sa Amerika basta ang sabi lang niya, “Gusto kong protektahan ang mga anak ko, malayo sa sitwasyon.”

20 years ng naninirahan ang ina ni LJ sa New York. Lumipat ito taong 2001.

Kiko Estrada binura na ang litrato nila ni Heaven Peralejo sa kanyang IG, nag-unfollow na din sa aktres

Lolit Solis ipinagtanggol si Paolo Contis matapos mabash dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes