in

Kiko Estrada binura na ang litrato nila ni Heaven Peralejo sa kanyang IG, nag-unfollow na din sa aktres

Trending na naman ngayon ang magkasintahang Kiko Estrada at Heaven Peralejo.

Hinihinala kasi ng mga netizens na hiwalay na ata ang dalawa. Ito ay matapos na mapansin na burado na ang larawan nila Heaven at Kiko sa IG account ng aktor.

Maliban dito, in-unfollow na rin ng aktor si Heaven sa Instagram.

Sa kabila ng mga espekulasyon, finafollow pa rin ni Heaven si Kiko at hindi pa nito binubura ang kanilang mga larawan sa kanyang IG account.

Kaya naman usap-usapan ngayon kung ano ang dahilan ng move na ito ng Kapamilya actor.

Dahil sanay ang marami na pag nag-unfollow sa social media. At nagbura ng litrato sa kani-kanilang account ay ibig sabihin hiwalay na.

Tulad na lamang ng nangyari kina LJ Reyes at Paolo Contis.

Hinala naman ng ilan ay tila nagselos diumano si Kiko dahil sa IG story ni Heaven na may kasamang ibang lalaki.

Pabirong saad pa nga sa Facebook post, “Wala pa ngang one month selos agad Wag ganun kiko. Stay strong lang”

Tanong tuloy ng nakaantabay na netizens: May pinagdadaanan ba sina Kiko at Heaven sa kanilang relasyon?

Noong August 30 lamang ay ipinagdiwang nina Kiko at Heaven ang kanilang third monthsary.

Nagpalitan pa nga ang dalawa ng matatamis na mensahe sa post ni Kiko tungkol sa kanilang ikatlong buwan bilang magkasintahan.

May 30 naging pormal ang relasyon nina Kiko at Heaven matapos ang halos dalawang buwang getting-to-know-each-other stage.

Isang laughing emoji naman ang ipinost ni Heaven sa kaniyang Twitter account sa kabila ng mga bali-balitang naghiwalay na sila.

Nananatili namang tahimik ang kampo ng aktor hinggil sa isyu na ito.

Matatandaan na kamakailan lang nang inamin ng dalawa ang relasyon sa publiko na umani ng batikos mula sa madlang pipol kung saan tinawag nilang “ahas” at “mang-aagaw” si Heaven.

Julia Barretto miyembro na din ng Phil. Coast Guard, sinundan ang yapak ng BF na si Gerald Anderson

LJ Reyes sinama na ang mga anak, umuwi na sa pamilya sa New York City USA