in

Julia Barretto miyembro na din ng Phil. Coast Guard, sinundan ang yapak ng BF na si Gerald Anderson

Nag oath taking na ang aktres na si Julia Barretto bilang bagong miyembro ng Philippine Coast Guard AUXILIARY K9 SQUADRON.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinaalam ng PCG sa publiko ang panunumpa ni Julia bilang boluntaryong kasapi ng nasabing unit.

Winelcome ng PCG ang aktres sa hanay nito. Kung saan ay pinangunahan ni PCG commandant Admiral George Ursabia Jr. ang oath-taking ceremonies ni Auxiliary Ensign Barretto.

Kalakip nito ay ang mga litrato ng mga bagong miyembro ng PCG. Nakasuot na din ng uniform si Julia sa nasabing mga litrato.

Present din  doon ang kanyang nobyo na si Gerald Anderson na mataas na ang katungkulan sa PCG. Isa na itong auxiliary lieutenant commander ng PCGA K9 Squadron.

Bilang pinaka-senior na appointee, nabigyan ang aktres ng pagkakataong magsalita para sa kanyang mga kasamahan kahapon: “She thanked the PCG, especially the PCGA K9 Squadron, for welcoming her into the field of public service,” patuloy ng PCG.

“Auxiliary means volunteer. Members of the PCGA are committed to serve the PCG by offering their time, efforts, and resources without expecting anything in return.”

Sa kanyang Instagram, masayang winelcome ni Gerald ang nobya sa kanilang hanay.

Sabi ng aktor sa caption, “Welcome to the PCGA K9 Special Support Squadron [Ph] AUX ENS Julia Barretto #philippinecoastguard @juliabarretto”

Nag-post din si Julia sa kanyang Instagram pero ang caption niya ay tag lamang sa account ng PCG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Kakaibang istorya ng pagmamahalan nina Mygz Molino at Mahal, paano nga ba nagsimula?

Kiko Estrada binura na ang litrato nila ni Heaven Peralejo sa kanyang IG, nag-unfollow na din sa aktres