in

Mygz Molino sinisisi umano sa biglaang pamamaalam ng komedyanang si Mahal

Kasabay ng hinagpis sa biglaang pagpanaw ni Mahal, rumored boyfriend na si Mygz Molino nasisisi.

Ayon sa isang report ilang kamag-anak umano ni Mahal ay may sama ng loob sa Indie actor na si Mygz.

Hindi daw kasi nito iningatan at inalagaan ng maayos si Mahal. Ayon sa ilang kamag-anak ni Mahal, sana daw ay ipinagpaliban muna nila ang kanilang YouTube content.

Kung saan dinalaw nina Mygz at Mahal ang dati nitong katambal na si Mura.

Matatandaan na isang linggo na ang nakalipas ng magtrending ang log ni Mygz. Kung saan makikita na nasa probinsya sila ng Albay sa Bicol Region.

Nang mapanood umano ito ng kaanak ni Mahal ay mabilis nilang tinawagan si Mygz. Upang pagsabihan na ipagpaliban at itigil muna ang ginawa nilang shoot doon.

Dahil nga naman sa banta ng c0’vid. Anila hindi na daw ganoong kalakas ang resistensya ni Mahal. Kaya madali itong kakapitan ng v1rus.

May edad na din kasi si Mahal at may mga under lying conditions pa ito kaya sila nabahala.

Gayunpaman, ayon sa nasabing report ay inabisuhan naman ni Mahal ang kanyang mga kaanak na safe sila sa lugar nila Mura.

Mababa lang umano ang positive cases sa probinsya ang negative naman lahat ng kanilang swab test bago pumunta doon.

Giit naman ni Mygz ay kagustuhan daw ni Mahal na puntahan ang dati niyang ka-loveteam na si Mura.

Upang magbigay ng tulong pinansyal at mapasaya ito kahit papaano.

Hindi naman daw inakala ni Mygz na mahahawa si Mahal ng sakit sa Albay dahil malayo na sa kabihasnan ang nasabing lugar.

Ngunit huli na ang lahat ng makauwi sila sa bahay nila sa Batangas at mapansin na may sintomas na ng c0vid si Mahal.

Panoorin dito ang kabuuan ng report:

‘Reinanay’ ginulat ang lahat nang aminin sa kanyang anak ang totoo!

Kakaibang istorya ng pagmamahalan nina Mygz Molino at Mahal, paano nga ba nagsimula?