in

LJ Reyes kinumpirma na hiwalay na nga sila ng partner na si Paolo Contis

Inamin na ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis.

Nito lamang Martes nang inilabas ang isang patikim sa panayam ni Boy Abunda kay LJ.

“Ang separation niyo ni Paolo, was it mutual?” tanong ni Tito Boy sa inilabas na 21-second teaser ng Boy Abunda’s “The Interviewer.”

“It was so difficult, it was so painful,” pigil ang luha na sagot ni LJ.

“Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin,” pagpapatuloy pa ng aktres.

“Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin,” saad naman ni LJ nang matanong kung sino ang humiwalay sa kanilang relasyon.

Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni LJ kung ang tinutukoy niya ay kung tingin niya ay nanlamig sa kanya si Paolo.

Nito lamang nakaraang linggo ng maunang kumpirmahin ni Lolit Solis ang hiwalayan ng celeberity couple.

Aniya, naglahong romansa ang pinag-ugatan ng kanilang breakup.

“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes. It was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon,”pagbubunyag niya.

Limang taon ng magkarelasyon sina Paolo at LJ. Nagbunga rin ng napaka-cute na baby girl na si Summer na dalawang taon na ngayon ang kanilang pagsasamahan.

Noong August 20, naging tampok ng espekulasyon ang relasyon nina LJ at Paolo mapatapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na si Paolo kay LJ.

Burado na rin sa Instagram feed ni Paolo ang lahat ng litrato ni LJ, kaya maugong ang usap-usapang nag-break na ang mga ito.

Narito ang teaser video ng panayam ni Tito Boy kay LJ:

Dating Model at DJ, Laya na matapos ang 5 years sa kulungan

‘Reinanay’ ginulat ang lahat nang aminin sa kanyang anak ang totoo!