in

Kakaibang istorya ng pagmamahalan nina Mygz Molino at Mahal, paano nga ba nagsimula?

Ang kakaibang love story nina Noeme ‘Mahal’ Tesorero at Mygz Molino saan nga ba nagsimula?

Hindi maikakaila ang closeness ni Mgyz Molino at ng komediyanteng si Mahal.

Si Mygz ay isang modelo at indie actor.

Taong 2014 ang unang public photo niya kasama si Mahal ngunit nakatrabaho niya noong 2012 ang komediyante para sa pelikulang ‘Id’Nal.’

At iyon ang naging simula ng kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa. Ngunit sandaling naputol ang kanilang pagkakaibigan at ang kanilang kounikasyon.

Na-link sa iba’t-ibang kalalakihan si Mahal at nagkaroon ng karelasyon. Kabilang na dito ay ang yuma0 na din na si Jimboy Salazar, Aries Navarro, Sam Jacinto, at Jess Dabalos.

Naging usap-usapan din ang pagpapakasal noon ni Mahal kay Jobbie Hebrio taong 2015. Dalawang taon din ang tinagal ng kanilang relasyon.

At nang maghiwalay sila ay doon na nanumbalik ang pakikipagkaibigan ni Mahal kay Mygz.

Isang Indie actor at modelo si Mygz at maraming pelikula na rin siyang piangbidahan. Pinasok din niya ang vlogging sa Youtube.

May sarili ring negosyo si Mgyz Molino kung saan nagbebenta siya ng scents at fragrances.

Muling nakitang magkasama sina Mygz Molino at Mahal sa isang Christmas party noong 2018. Mukhang brusko at malakas man, malambing at maalaga talaga si Mygz kay Mahal.

Pansin ang pagiging malambing at maalaga ni Mygz Molino sa kanyang pakikitungo sa komedyante.

Madalas makasama ni Mygz Molino si Mahal sa kayang vlog kaya marami ang napapaisip kung ano ang tunay na relasyon ng dalawa sa likod ng camera.

Hanggang sa lock-in taping ng ‘Owe My Love’ ay magkasama sina Mygz Molino at Mahal.

Hindi man malinaw ang label ng relasyon nina Mygz Molino at Mahal sa publiko ay kakaiba naman ang kanilang pinagsamahan.

At si Mygz nga ang kasama ni Mahal hanggang sa huling sandali ng buhay niya.

Mygz Molino sinisisi umano sa biglaang pamamaalam ng komedyanang si Mahal

Julia Barretto miyembro na din ng Phil. Coast Guard, sinundan ang yapak ng BF na si Gerald Anderson