in

Totoong itsura diumano ng Viral na gwapong pari na si Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos usap-usapan ngayon online

Matapos magviral, litrato ni Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos edited daw.

Kamakailan nga lamang ay agaw atensyon ang Filipino priest na si Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos. Ito ay dahil sa angkin niyang kakisigan.

Bukod sa pagiging pari, licensed fitness instructor din si Fr. Ferdi kaya nahumaling sa kanyang physical appearance ang netizens na hindi makapaniwalang alagad siya ng simbahan.

Ayon sa post ni Ranhilio Aquino, personal na kakilala ng pari, nakasabay niyang mag-aral si Fr. Santos sa Catholic University of Louvain sa Belgium.

Aniya, ang bagay na talagang nakapagpahanga sa kanya ay ang pagbitiw sa pwesto ni Fr. Santos bilang Rector ng St. John Vianney Seminary sa Florida para umuwi sa Pilipinas at makihalobilo sa mga sulok-sulokang parokya.

Hindi naman nakalampas si Fr. Santos sa mata ng mga netizen. May mga nagsabi pa nga na talagang kahit sino ay mapipilitang mag-confess ng kasalanan lalo pa’t kung ganito lang din kagwapong pari ang makakaharap mo.

At press time, trending pa rin ang pangalan ni Fr. Ferdi sa social media at nakakatawa ang mga sari-saring komento ng netizens tungkol sa kanya.

Samantala, dahil nga sa talk of the town si Fr. Ferdi ay may naglabasang hinuha na edited umano ang kanyang mga larawan.

Ayon sa post ng netizen na si Carlos Babiano, “Moral of the story: EXAMINE THOROUGHLY EVERYTHING YOU SEE ON SOCIAL MEDIA.”

“THIS IS FR. FERDIE’S AUTHENTIC APPEARANCE.”

Kalakip nito ay ang screenshot umano ng larawan ng totoong itsura ni Fr. Ferdi mula sa isang website.

Ngunit gayunpaman, hindi nabago ang tingin ng netizens kay Fr. Ferdi. May ilan pa ngang nagsabi na litaw pa rin ang kapogian ni Father kahit may edad na ito.

May mga nagsabi din na mukhang mas edited pa daw ang screenshot photo ni Father kesa sa nagviral na larawan nito.

Ion Perez umani ng papuri ng mamataang naglalako ng gulay sa kanilang probinsya sa Tarlac

Andrea Brillantes ibinahaging naiinggit sa mga mabilis sumikat na baguhang artista