in

JUST IN: Sikat at beteranang komedyanteng si Mahal, namaalam na, dahilan ng paglisan ibinahagi mismo ng kaanak

Si Noeme Tesorero o mas kilala sa screen name na MAHAL ay tuluyan na ngang nilisan ang ating mundo sa edad na 46. 

Isang malungkot na balita ang bumulaga sa social media matapos ianunsyo ng isang Irene Tesorero ang malungkot na balita kaugnay ng paglisan ng kanilang kapatid na si Mahal.

Ayon sa post ni Irene, kanina lamang hapon, August 31 ng tuluyan ng mamamaalam ng kanilang kapatid.

“Ang aming kapatid na si mahal ay pum4naw na. Wala pa schedule sa kanyang burol due to C0VID restriction.”

Napagalaman mula sa iba pang post na Gastro at C0vid-19 din ang naging sanhi nang paglisan ng nakapacute at nakaaliw na komedyante.

Mabilis na kumalat sa social media ang nakakalungkot na balita at agad na nagpahayag ng kalungkutan ang kaniyang mga fans at mga kasamahan sa industriya.


Kung magtatandaan, kailan lang ay binisita pa ni Mahal ang kanyang dating katandem sa showbiz na si Mura at kitang kita ang sigla at saya nang dalawa sa kanilang muling pagtatagpo.

Sa ngayon ay wala pang update ang mga kaanak ni Mahal tungkol sa kanyang burol.

Salamat sa mga hinatid mong ngiti para sa amin, Mahal.

Andrea Brillantes ibinahaging naiinggit sa mga mabilis sumikat na baguhang artista

Dating Model at DJ, Laya na matapos ang 5 years sa kulungan