in

Andrea Brillantes ibinahaging naiinggit sa mga mabilis sumikat na baguhang artista

Inamin ng young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang kanyang inggit sa mga baguhang artista.

Sa edad na 7 years old ay sumabak na si Andrea sa mundo ng showbiz. Naging parte siya ng “Goin’ Bulilit” noong 2010. At napansin ang galing nito sa pag-arte noong 2013 nang mapili siya upang gumanap bilang batang bida sa “Annaliza”.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, may poot pa lang nararamdaman noon si Andrea. Nang nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Aminado si Andrea na threaten siya sa mga baguhang artista noon. Kaya bilang child actress noon ay mas nagpursige pa siya at lalo niyang ginalingan ang kanyang pag-arte.

Ito ang naikwento ni Andrea sa vlog ng “The Squad Plus” YouTube channel. Kung saan tinanong siya ni Seth Fedelin.

Kung mayroon ba siyang pinaka ayaw na experience sa kanyang trabaho bilang artista.

“Antagal ko na kasi di ba, sobrang sakit sakin na pag may mga bagong dumadating sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na… ansakit… parang plato na binasag, ako,” sagot ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Yun ako, ako yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon.”

“Tapos etong bagong to, makukuha niya lahat. Makikita ko siya diyaan. Tapos ako bakit, ginawa ko naman lahat, nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba.”

“Anong kulang sakin, ano pa bang dapat kong gawin.” 

Ayon pa kay Andrea ay masakit daw ang karanasang ito para sa kanya. Lalo pa’t ibinibigay naman niya ang kanyang best sa bawat proyektong ibinibigay sa kanya.

Pero ito raw umano ang naging motivation niya.

Taong 2018 ay tuluyan nang sumikat at namayagpag ang aktres matapos bumida sa teleseryeng “Kadenang Ginto” bilang si Marga Bartolome.

Totoong itsura diumano ng Viral na gwapong pari na si Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos usap-usapan ngayon online

JUST IN: Sikat at beteranang komedyanteng si Mahal, namaalam na, dahilan ng paglisan ibinahagi mismo ng kaanak