in

Madam Inutz nagbigay na ng pahayag sa kinakaharap na kontrobersiya sangkot sina Wilbert Tolentino at Ethel Booba

Nagsalita na si Daisy Lopez o mas kilalang Madam Inutz tungkol sa issue nila ni Ethel Booba. Sangkot din ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Naging mainit na nga ang usapin tungkol kina Ethel Booba, Madam Inutz, at Wilbert Tolentino.

Ito ay dahil nagkaroon ng pasaring ang kampo ni Ethel sa hindi paglabas ni Madam Inutz ng puntahan nilang muli ito.

Ito umano ang dahilan kaya niya inilabas ang viral TikTok video niya. Na may halong patama sa kampo ni Wilbert at Madam Inutz.

Ayon kay Ethel, nasaktan sya kaya nila nagawa yung viral tiktok video. “Feeling ko kasi friend ko na sya.”

Nagsalita na rin si Wilbert tungkol sa kumalat sa tiktok video ni Ethel. “It’s between friendship and management.”

Ngunit matapos ang paliwanagan ay nagka-ayos din ang matagal ng magkaibigan at magkumareng sina Ethel Booba at  Wilbert Tolentino.

Nagbigay na din ng kanyang pahayag si Madam Inutz ukol dito. Ipinagtanggol ni Madam Inutz ang kaniyang manager.

Aniya, higit isang linggo pa lamang silang magkasama, marami nang nagawa para sa kaniya ang manager, at kung tutuusin, wala pa nga itong napapala sa kaniya.

Hindi naman umano pinagbabawalan ang sinumang vloggers na nagnanais na maka-collab siya; pakiusap lamang niya na magpaalam muna nang maayos kay Wilbert o magbigay man lamang ng ‘courtesy call.’

Minabuti rin niyang ihayag ang kanyang panig hinggil sa isyu lalo at nasasaktan umano siya sa mga nababasa niyang komento na lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na siya.

Nilinaw niyang kaya hindi siya lumabas noon ay dahil nag-iingat lamang siya dahil may kontrata siyang pinirmahan.

Hiniling niya rin na sana ay tigilan na ang mga negatibong mga komento at matuldukan na ang isyu.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sharon Cuneta, sobrang lungkot dahil sa mga pangyayari sa kanyang pamilya

“Aalis na ako dito, ayoko na, di ko na kaya,” Mariel Padilla, Isiniwalat kung paano sila magkasagutan ng asawang si Robin padilla